LONDON (AP)- Kinailangan ng Brooklyn Nets na pakaisipin ang hinggil sa pagkakaroon ng panibagong prangkisa patungo sa London.
Napatatag ng Nets sa 3-0 ang kanilang regular-season NBA games sa British capital matapos ang 127-110 win kontra sa Atlanta Hawks kahapon.
Pinangunahan ni Joe Johnson, namalagi ng pitong taon sa Hawks, ang paghataw sa Nets sa O2 Arena. Umiskor ang Brooklyn guard ng 26 sa kanyang game-high 29 puntos sa unang half, at ipinako ang dalawang buzzer-beating 3-pointers.
“We just exploited mismatches. I was just feeding off these guys,” pahayag ni Johnson. “We had a lot of ball movement and took a lot of open shots.”
Tatlong taon ang nakalipas, ang noon ay New Jersey Nets pa, naglaro ito ng dalawang regular-season games sa kapareho ring O2 Arena, matatagpuan sa banks ng River Thames at ang venue ang ginamit para sa gold medal basketball game noong 2012 London Olympics. Tinalo nila ang Raptors sa kapareho ring dalawang laro.
Noong nakaraang taon, tinalo ng New York Knicks ang Detroit Pistons sa ikatlong regular-season game na inilaro rin sa London.
Bagamat tila tinipid ang malalakas na palahaw sa off-the-court action, tumapos ang dalawang koponan sa laban na ang limang mga manlalaro ay umiskor ng double digits.
Nag-ambag si Andray Blatche ng 20 puntos at 14 rebounds para sa Nets, ipinagkaloob ni Paul Pierce ang 18 puntos, nagtala si Alan Anderson ng 15 habang nagposte si Kevin Garnett ng 12.
“The ball was moving, guys were looking for each other and finding each other,” pahayag ni Nets coach Jason Kidd. “Joe has been off the charts. Not just last few games but the whole season.”
Pinamunuan nina Mike Scott at Shelvin Mack ang Hawks na pawing may tig-17 puntos. Inasinta ni Jeff Teague ang 16 puntos, kinubra ni Paul Millsap ang 13 habang nagsalansan si Pero Antic ng 11.
Nanatili ang Hawks na nakadikit sa unang quarter, ngunit agad pinasimulan ng Nets ang pagratsada sa ikalawang yugto. Sinimulan ni Anderson ang 8-0 run sa kaagahan ng nasabing quarter, kung saan ay nagdagdag si Pierce ng dalawang layups habang tumapos si Blatche na may putback patungo sa 39-30 lead.
“Their size and their length was a problem in a lot of different ways, and rebounding was just one of them,” ayon kay Hawks coach Mike Budenholzer.
Tinapos ni Johnson ang unang half na kaakibat ang 3-pointer bago ang final buzzer upang dalhin sa 65-53 ang iskor. Lalo pang nagningas ang Nets pagsapit sa third quarter, kung saan ay muling tumapos si Johnson na taglay ang buzzer-beating 3s patungo sa 99-74.
Bagamat sumadsad ang kanyang pagbuslo sa second half, taglay sa ngayon ni Johnson ang pagkamada ng 20 o higit sa apat na sunod na mga laro.
“We’ve got the best seat in the house,” saad ni Garnett habang pinapanood si Johnson habang kinakamada nito ang kanyang mga basket. “When you’re so used to being in that situation yourself, it’s great to have a guy who can just take over the game.”
Sa kabilang dako, napalawig ni Hawks guard Kyle Korver ang kanyang NBA record sa 108 sunod na mga laro na taglay ang 3-pointer.
Si Korver ay naging off-target sa unang tatlong quarters at sa wakas ay naipasok nito ang kanyang walong pagtatangka mula sa arko, 8 minuto pa sa orasan, tungo sa 111-81 kalamangan. Iyon ang natatanging basket ni Korver sa nasabing laro.
“To give him an opportunity to continue something that’s very unique and special is important,” paliwanag ni Budenholzer. “At some point the streak will come to an end, but it wasn’t tonight.”
Muling maghaharap ang dalawang koponan sa Martes. Bibisita ang Nets visit sa New York Knicks habang ang Hawks ang magiging punong-abala sa Miami.
Maliban sa laro, kadalasang naghihiyawan ng malalakas ang fans sa tuwing naaaliw sila sa pagitan ng quarters at timeouts at sa mga dumarating na kilalang mga bista.
Sa kasagsagan ng third quarter, ipinakita sa napakalaking screen ang mukha ni Beatles great Paul McCartney. Habang umuugong ang hiyawan sa crowd, ilang kabataan ang tumalon sa may frame upang masilayan rin sila sa screen. Pinagbigyan naman ni McCartney, nakaupo sa likuran ng Nets’ bench, ang youngsters upang makihalubilo at maipakita ang kanilang mukha sa giant monitor habang pinapatugtog ang “Hey Jude” sa loob ng venue.
PASAKALYE: Hindi nakita sa aksiyon si Nets guard Deron Williams sanhi ng sprained left ankle. … Ang Nets-Hawks encounter ay ang ika-12 NBA game sa London, simula pa noong 1993, ngunit tanging ikaapat na regular-season game. … Napatatag ng Nets sa 8-3 ang season na ito nang si Johnson ay umiskor ng 20 o mahigit pa sa puntos. … Ila sa Premier League soccer stars ang nagtungo sa O2 Arena upang panoorin ang laro, kasama na si Germany striker Lukas Podolski at England midfielder Jack Wilshere. Ang dalawa ang naglalaro para sa London club Arsenal.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment