Matapos makumpiskahan ng ilegal na droga ang lote na sinasabing pagmamayari ng pamilya Leviste noong Disyembre, naipadala ng Department of Justice (DoJ) ang subpoena para kay dating Batangas Governor Antonio Leviste kaugnay sa nasabing kaso.
Nakapaloob sa nasabing subpoena duces tecum, inaatasan ng DoJ si Leviste na maglabas ng mga kopya ng dokumento na may kinalaman sa LPL Ranch kung saan ipakikita rito ang mga dokumento na may kinalaman sa ownership ng property.
Una nang lumabas sa mga ulat na isang senior offi cial ang nagkumpirma na ang nasabing compound kung saan nasamsam ang 84 kilo ng shabu ay pag-aari ni Leviste.
Ang nasabing bahagi ng LPL Ranch ay inupahan ng hinihinalang utak ng sindikato ng ilegal na droga na si Jorge Torres.
Ayon kay Justice Secretary Leila De Lima, sakaling mapatunayan na pag-aari nga ni Leviste ang rancho at alam nito ang ilegal na operasyon ng droga, ito ang magiging batayan para bawiin ang parole na iginawad sa kanya at muling makukulong.
Gayunman, mariing itinanggi ng kampo ni Leviste na pag-aari nito ang rancho.
Sinabi ng abogado ni Leviste kay De Lima na si Cristina Buendia ang may-ari ng lupain, walang ano mang interes o kaugnayan ang kanyang kliyente sa alinmang bahagi nito. – Beth Camia
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment