Inaasahang patuloy na maiaangat at mapapalakas ng Pinoy cyclists ang gaganaping LBC Ronda Pilipinas 2014 na ngayo’y ganap nang isinagawang international event.
Sinabi ni LBC Ronda Pilipinas 2014 Race Director Rick Rodriguez na hangad ng karera na matulungan, hindi lamang ang mga siklista, kundi ang maging komunidad sa pagtataguyod ng malalaking karera sa rehiyon at maging sa buong mundo.
“Although some of our local riders could not joined as they will be limited with the presence of foreign riders, we look at the creation now of more organized clubs that will fully take care of their chosen riders instead of those individually competing against a seasoned team,” sinabi ni Rodriguez.
Inaasahan naman ang pagsabak ng pitong dayuhang koponan mula sa The Netherlands, Malaysia, Iran, Uzbekiztan, Thailand, Japan at Chinese Taipei kontra sa pitong lokal na koponan na pinangungunahan ng continental team na 7-11 ByRoadbike Philippines at LBC MVP Sports Foundation.
Hangad din ng karera na mahimok ang ibang malalaking kumpanya na bumuo ng kanilang sariling koponan na tutulong sa mga siklista upang umangat at magpakahusay upang mapabilang sa mga continental squad.
Malaki din ang tsansa ng mga lokal na riders na makihati sa nakatayang premyo kung saan hahatiin ang itinakdang P1 milyon sa individual at team champion.
Matuturuan din ng LBC Ronda Pilipinas ang mga lokal na nag-oorganisa ng mga karera sa pagkuha nila ng mga de-kalidad na dayuhang technical officials na siyang mamamahala sa karera na isasagawa simula Pebrero 1 hanggang 16.
Ilan sa dadayong technical officials ay ang pangunahing Union Cycliste Internationale (UCI) commissaries na sina Martin Bruin ng The Netherlands at Michael Robb ng Ireland na dalawang dating resident commissaires ng Tour de France at ilang malalaking karera sa mundo.
Makakasama nila sina Qiu Jijin ng China, Mr. Kim ng South Korea at sina Jamaludin Mahmood at Beatrice Lajawa ng Malaysia.
“The presence of the UCI officials is the biggest difference in teaching our local riders and Filipino officials on the specifics of international racing,” giit pa ni Rodriguez, asam din na makabilang sa mga UCI sanctioned race ang LBC Ronda Pilipinas sa susunod na dalawang taon.
Nakatakdang tahakin ng 14 na koponan ang kabuuang distansiyang 1, 780 kilometro na patag at akyating daan. – Angie Oredo
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment