Tuesday, January 28, 2014

Sekyu natagpuang tigok sa warehouse

NATAGPUANG patay na ang isang security guard sa loob ng isang warehouse sa bahagi sa Barangay Arimbay, Legazpi City.


Ang bangkay ng lalaki ay kinilala na si Nicolas Albino, 34, ng Tinambac, Camarines Sur.


Sa imbestigasyon, napag-alaman na papasok na ang ilan sa mga kasamahan ng biktima sa tinutuluyan nitong pribadong warehouse nang mapansin na walang nagbubukas ng pinto.


Dahil sa pag-aalala, sinira na lamang ng ilang mga tauhan ang pintuan para alamin kung ano ang nangyari sa guwardya.


Dito na tumambad sa kanila ang naninigas nang si Albino.


Sa ngayon, hinihintay pa ng mga awtoridad ang resulta ng awtopsiya sa bangkay ng security guard para alamin ang tunay na motibo sa kamatayan nito.


The post Sekyu natagpuang tigok sa warehouse appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Sekyu natagpuang tigok sa warehouse


No comments:

Post a Comment