Tuesday, January 28, 2014

3% growth sa sektor ng agrikultura, target ng DA

PINUPUNTIRYA ng Department of Agriculture (DA) na makamit ang 3% pag-unlad sa sector ng agrikultura para sa paglakas ng produksyon ng pagkain sa bansa para sa taong ito.


Ayon kay Agriculture Secretary Proceso Alcala, ito ay kaugnay sa isinasagawa nilang pagpapatupad ng mga programa na magpapalakas sa sector.


Tinukoy ng kalihim ang mga potensyal na makamit ang tatlong porsyentong pag-unlad ay ang sector ng pangisdaan dahil sa pagkakaroon muli ng pagkakataon na makapangisda ng tuna sa may bahagi ng pocket 1 sa karagatan ng pasipiko, gayundin ang vannamei o hipon na lumalaki ang pangangailangan sa supply sa ibang bansa gaya ng bansang Japan, Hongkong, Singapore at Estados Unidos.


Target din ng DA na makapag-ani ng palay sa pagitan ng 19.5-milyong metriko tonelada hanggang 20-milyong metriko tonelada ngayong taon para mahigitan ang 100% ng rice self sufficiency.


The post 3% growth sa sektor ng agrikultura, target ng DA appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



3% growth sa sektor ng agrikultura, target ng DA


No comments:

Post a Comment