Friday, January 3, 2014

Saksakan nang ganda ang pelikula pero pinagkaitan ng award!

BAGAMA’T tahimik ang magiting na gobernador ng Laguna na si E.R. Ejercito sa kinalabasan ng kanyang ginawang pelikula nitong nakaraang MMFF, ang Golden Boy, hindi siya nagreklamo sa nasabing festival kung bakit wala man lang natanggap na award maliban sa Best Float na pampalubag loob. Sa kabuuan ng pelikula ay ito ang masasabing pinakamaganda sa lahat ng mga entry.


Maganda ang naging review ng mga kritiko at nagtaka lang sila na kung bakit ginawaran ito ng grado na “A” pero hindi naman nanalo kahit na anomang award.


Nang maglabas sila ng mga kinita ng top 4 top grosser, hindi man lamang binanggit na kung magkano ang kinita nito sa takilya. Ang sabi ng kaibigan namin na checker ng pelikula, kumita ito at kumikita pa rin. Huwag palilinlang ang kampo at fans nina George Estregan at KC Concepcion.


Ito’y taktika ng kalaban ng gobernador para sabihin na mahina ang pelikulang Golden Boy.


Hindi pumapayag na ganun na lamang ang fans nina KC at ER. Kailanagan daw ilabas nila ang

figure ng sales sa lahat daw ng entry sa MMFF at magkaalaman na. Alam ito ng producer ni Jeorge na hindi sila lugi. Katunayan nga, ipina-publish ang kanilang ADS sa mga malalaking diaryo ng buong page. Ito ay upang ipaalam sa buong bansa na maganda talaga ang Shoot To Kill: Boy Golden.


Oo nga’t hindi siya nagkuwestiyon sa mga juror sa desisyon nito pero HANEP ang ginawa ng

magiting na governor at mababasa mo ang nakalagay na “Panoorin ang pinakamagandang pelikulang Pilipino ng taong 2013″ at graded A by the Cinema Evaluation Board”. Bongga ang malalaking photo nila ni KC at ng ibang cast. Dito na lang siguro ipinalabas ni George Estregan ang sasabihin niya na sana’y makarating ito sa kinauukulan.

-0

MAY pino-promote na records ang magkasintahan, este magka-tandem ng ‘My Husband’s Lover’ na sina Dennis Trillo at Tom Rodriguez. Iikutin nila ang mga mall sa kanilang show rito sa Metro Manila at sa ibang lugar ng Pilipinas. Ang record album na ipinu-promote nila ay uumpisahan na sa darating na January 12 at hanggang Febuary na ito. Naging hit sila sa Amerika nang mag-show sila roon, how much more rito sa ating bansa?

Haaaay! Ang sipag naman mag-romote ng ‘loveteam’ na ito. Chos!. Ciao Bambino!


The post Saksakan nang ganda ang pelikula pero pinagkaitan ng award! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Saksakan nang ganda ang pelikula pero pinagkaitan ng award!


No comments:

Post a Comment