Friday, January 3, 2014

Gov. ER Ejercito, tuloy pa rin ang paggawa ng pelikula kahit talunan

DIRECT to the point na sinagot ni Governor E.R. Ejercito nang tanungin kung dismayado siya sa kanyang pagkatalo sa MMFF 2013 Awards Night na ginanap sa Meralco Theater.


Inamin nitong naapektuhan siya sa mga pangyayari lalo pa’t graded A ang kanyang pelikulang “Boy Golden.”


“Well, sa totoo lang, eh, tayo naman ay totoong may salita. Napakaraming pelikula pero dalawa lamang ang graded A ng Cinema Evaluation Board, isa ay idinerek ni Joyce Bernal (10000 Hrs.) at ang isa naman ay kay Chito Roño (Boy Golden). Ahhh, napakadaling nominations na dapat pinagbigyan ng awards ang karapat dapat.”


Isa pa sa gusto nitong mangyari ay ibalik sa taga-industriya ang pamamahala ng nasabing pestibal dahil mas may kaalaman ang mga ito sa lahat ng aspeto sa paggawa ng pelikula.


Kapansin-pansin na comedy at horror films ang mga nangunguna sa takilya at talagang tinatangkilik ng mga moviegoer taon-taon ang mga ganitong klase ng pelikula. Pero sa puntong ito, tuloy pa rin ang paggawa ni Gov. ER ng mga pelikulang masasabing his forte, ang aksyon at gaganap siya na gangster.


“Sa social media, maraming nagsasabing ipagpatuloy ko ang pagganap na gangster dahil bagay ito sa akin. Saka ang moral lesson naman sa ganitong pelikula ay walang nabubuhay sa baril.”


Dagdag nito, wala siyang nakikitang problema sa paggawa ng pelikula, makasali man ito o hindi ay tuloy pa rin ang paggawa nito ng pelikula dahil committment niya ito sa kanyang ninong na si Fernando Poe, Jr., at pangako sa kanyang tiyuhin na si ex-President Joseph Estrada gayundin sa tatay nitong si George Estregan na gagawa siya ng pelikula taon-taon para makatulong sa ating industriya at trabaho sa taga-industriya.

“Mapili man ‘yan o hindi makasali sa film festival, gagawa ako ng isang pelikula sa isang taon” assurance nito.


Isa rin siya sa sobrang nalungkot sa pagkatalo ni KC Concepcion sa pagka-Best Actress at katunayan, nasabi pa nito sa preskon ng pelikula na tiyak may dayaan kung matalo ang aktres.

“Yes, actually, marami ‘yan. ‘Di ba nanalo kami ng best float at after nito kami ay nalungkot dahil natalo kami sa production design, napakaganda ng production design namin halos lahat ng set ay ginawa. Pati sa cinematography, sa sound tapos, may mga categories na hindi kami na-nominate gaya sa Best Theme Song at marami pang categories na nakakasama ng loob na karapat dapat na magwagi ang ‘Boy Golden’.”


KC CONCEPCION, KULANG ANG TROPEO PARA MATAWAG SIYANG AKTRES


SPEAKING of KC, ayaw ng kanyang Mega mom na si Sharon Cuneta to sound bias dahil anak niya ang aktres pero like a mother she should be, sobrang proud sa kanyang anak nang napanood niya ito sa pelikula na kitang-kita ang pag-level up ng anak sa pagiging aktres. Kasama niyang dumalo sa premiere night si ex-Senator Kiko at nandoon din si Mommy Elaine.


“Siyempre, I dont want to sound bias dahil anak ko siya pero I am an actress also. Parang na-elevate nang konti in my eyes. I guess, it runs in the blood both sides, siyempre kung ano ang pinakain,” pahayag nito na sinabayan ng tawanan kasama ang press na iniintertbyu siya ng mga sandaling ‘yun.


Gustong-gusto ni Mega ang fighting scene ng anak na talagang nagmukhang action star sa pakikipagsuntukan, pakikipagsipaan at talagang regular ang pagte-train ng martial arts in-between breaks ng shooting. Ang nasabing fighting routine ay kinunan ng apat na araw para lumabas itong very realistic at hindi naman nagkamali si Direk Roño because it was splendidly delivered by the actress.


Kung hinangaan si KC sa mga nasabing eksena ay marami naman ang nabigla sa pagiging palaban nito sa mga eksenang halikan nila ni Gov. ER but let’s give the credit to Direk Chito dahil nagawa nitong disente ang halikan ng dalawa, wala kang kalaswaang maiisip habang pinapanood mo ang nasabing mga eksena.


The post Gov. ER Ejercito, tuloy pa rin ang paggawa ng pelikula kahit talunan appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Gov. ER Ejercito, tuloy pa rin ang paggawa ng pelikula kahit talunan


No comments:

Post a Comment