Wednesday, January 1, 2014

Plebisito sa Cabanatuan, Enero 25 na

CABANATUAN CITY – Sa wakas ay matutuloy na sa Enero 25, 2014 ang naunsiyaming plebisito na unang itinakda noong Disyembre 1, 2012 pero ipinagpaliban ng Commission on Elections (Comelec) pagkatapos ng midterm elections noong Mayo 2013.



Ang plebisito ay upang i-upgrade ang lungsod mula sa pagiging component city ng Nueva Ecija para maging highly urbanized city (HUC), na mahigpit umanong tinututulan ng pamahalaang panglalawigan na ayaw pang maihiwalay ang siyudad sa pamamahala ng kapitolyo.


Hulyo 4, 2012 nang nagpalabas ang Malacañang ng Proclamation No. 418 na nagdedeklara sa conversion ngunit tinutulan ito ni Nueva Ecija Gov. Aurelio Umali at ng isang residente ng Laur, kaya ipinagpaliban ng Comelec ang plebisito. – Light A. Nolasco


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Plebisito sa Cabanatuan, Enero 25 na


No comments:

Post a Comment