Kaparis ng nakagawian sa mga nagdaang taon, muling naging Santa Claus ang Philippine Basketball Association nong nagdaang Pasko matapos na magbigay ng isang napakahalagang regalo – isang condominium unit sa pakikiisa ng San Jose Builders – sa isang longtime PBA fanatic na mula Quezon City.
Mapalad na nanalo si Katrina Basilio ng New Manila, Quezon City sa naganap na grand raffle draw na ginanap noong nakaraang PLDT MyDSL-PBA Philippine Cup Christmas Day doubleheader sa Mall of Asia Arena.
“Talagang gustung-gusto kong manalo,”ani Basilio na nakatipon ng ilang raffle tickets makaraang manood ng 30 beses ng PBA sa nakalipas na taong 2013.
Bukod naman sa nasabing condominium unit, namigay din ang PBA ng mobile phones, bola at PBA Tshirts.
Samantala, bilang bahagi ng kanilang “Alagang PBA” program, ilang players ang naglaan ng oras buhat sa kanilang mahigpit na iskedyul para personal na magbigay ng mga laruan sa mga kabataan sa naganap na PBA toy givng day sa Amoranto Stadium sa Quezon City noong nakaraang Biyernes.
Ilan sa mga nasabing mga manlalaro na nakapaghatid ng kakaibang saya sa mga batang kanilang inabutan ng mga laruan sina Sol Mercado, Leo Najorda, Jewel Ponferrada, Bonbon Custodio, Simon Atkins, Mark Borboran, Magi Sison, Jonas Villanueva at Jeric Fortuna .
Kasama naman nilang namigay si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte sa mga kabataan na galing sa iba’t-ibang mga barangay sa lungsod.
Umabot sa may 10,000 iba’t-ibang laruan ang naipamigay na galing sa koponan ng Petron Blaze. – Marivic Awitan
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment