Wednesday, January 1, 2014

Bangko nilooban, 3 patay

Tatlo katao ang namatay sa panloloob sa isang bangko kahapon ng umaga sa Cebu City.


Habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa rin nagpapalabas ng anumang impormasyon ang mga awtoridad dahil hinihintay pa ang personnel ng Scene Of the Crime Operatives mula sa Cebu Provincial Police Office.



Ayon kay Daan Bantayan Mayor Augusto Corro, galing siya pinangyarihan ng krimen at nakitana duguang nakahandusay ang dalawang guwardiya at isang babae. Dagdag pa ng mayor, parang mayroong kinikimkim na galit ang mga suspek sa mga biktima at posibleng kilala ang gunmen na kabisado ang bawat sulok ng bangko.


Ang bangko ay matatagpuan sa Bgy. Poblacion ng bayan, at 200 metro lamang ang layo mula sa istasyon ng pulisya. – Beth Camia


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Bangko nilooban, 3 patay


No comments:

Post a Comment