HINDI pa raw sigurado ang pagbibigay ng National Artist award kay Nora Aunor.
Ito ang inihatid na balita sa amin ng isang kaibigang silent fan mismo ng superstar. Isang film director na identified Noranian daw ang nagbanggit sa kanya ng balitang ito.
Sabi pa ng kausap namin, may mga grupo lang daw na pinangunahan ang gagawing pahayag ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA).
“Ni hindi pa nga sila nakakasiguradong si Nora nga ang isa sa nasa listahan ng mga isinumite ng NCCA kay Pangulong Noynoy Aquino,”sey pa ng kausap namin.
Dagdag pa niya, sa isang party na nagkita-kita ang mga kilalang taong in one way or another ay nakatulong sa movie career ni Nora Aunor ay nagalit daw ang mga ito sa mga nagkakalat agad na kesyo pirma na lang ni Pangulong Aquino ang kulang para maging ganap na National Artist si Ate Guy.
“Dapat hintayin nila muna ang final announcement. Baka mali ang hula nila,” sey pa ng kausap namin.
Nakatikom naman ang bibig at ayaw magbigay ng pahayag ang isang kilalang pulitiko na may kaugnayan sa NCAA kung kasama nga sa listahan si Nora Aunor bilang isa sa mga tatanghaling National Artist sa taong ito.
“Maaari rin namang si Nora o p’wede rin namang si Dolphy o may iba pa na ikakagulat natin,” sey pa ng source namin.
In fairness, asang-asa na ang Noranians na si Nora Aunor na nga ang gagawaran ng National Artist award. –Jimi Escala
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment