Thursday, January 2, 2014

Kahit may injury si Nowitzki, Mavs nagwagi pa rin sa Wizards


WASHINGTON (AP)- Si Dirk Nowitzki ay ang ika-13 leading scorer sa kasaysayan ng NBA.


Kahapon, sa kanyang binitawang pananalita na siya’y nabawasan ng, ‘’an expensive decoy.’’


Nalimitahan si Nowitzki ng season-low na 9 puntos, at nagmintis sa 11-of-14 shots mula sa field, ngunit natalo pa rin ng Dallas Mavericks ang Washington Wizards, 87-78.



Umiskor si Monta Ellis ng 16 sa kanyang 23 puntos sa second half habang si Vince Carter ay nagtala ng 13 kung saan ay naitabla ng Mavericks ang pagwawagi na may mababang puntos sa season.


‘’It was an ugly game. I think we set the NBA back a couple years today,’’ pahayag ni Nowitzki.


Natapilok nito ang kanyang kaliwang ankle sa unang minuto ng laro.


‘’Probably the 200th time in my career,’’ ayon kay Nowitzki. ‘’It was obvious that I wasn’t moving well. I didn’t get any elevation on my jumper.’’


Ang susi sa naturang laro ay nang pigilan ng Dallas ang Washington na scoreless sa mahigit na 4 minuto sa huling bahagi ng match.


Umungos ang Wizards sa 74-70 sa nalalabing 4:58 sa orasan, ngunit naitarak ng Mavericks ang 9 sunod na iskor mula sa 3-pointer ni Carter, hook shoot ni Brandan Wright, ang dalawang free throws ni Carter at jumper ni Ellis upang ibigay sa Dallas ang 79-74 lead, may 2:14 pa sa laro.


Muling ‘di na naman nakaiskor ang Washington hanggang si John Wall, pinamunuan ang Wizards na mayroong 22 puntos, ay magsagawa ng dalawang free throws sa natitirang 46 segundo sa korte.


Nagwagi ang Mavericks bagamat ang shooting nila ay nagtala lamang ng 38.5 percent, ngunit napigilan nila ang Washington sa 37.5 percent.


‘’It was a beautiful game,’’ natatawang ipinahayag ni Dallas coach Rick Carlisle. ‘’It was such a competitive game, up and down the stretch, whoever won was going to be the survivor.’’


Nagsalansan si Trevor Booker ng 10 puntos at career-high na 19 rebounds sa Washington.


‘’We wasted a good defensive effort,’’ ayon naman kay coach Randy Wittman.


Ito ang ikaapat na sunod na panalo ng Dallas sa road at ikawalong sunod kontra sa Wizards (14-15), naunsiyami ang kanilang pagtatangkang umangat sa .500 sa unang pagkakataon matapos noong Oktubre 31, 2009.


Ito ang ikalawang pagkakataon sa season na naunsiyami ang Washington na makuha ang .500 mark.


‘’It’s a great opportunity in front of us, and we continue to get there and we just lay an egg in the next game,’’ sambit ni Wizards guard Bradley Beal.


Nanghinayang naman si Beal, nagbuglo ng 4-for-13, na sa Washington nangyari ang pinsala ni Nowitzki.


‘’Whenever you can hold a great scorer like that down to a minimum, you always love your chances,’’ ayon kay Beal.


Si Ellis, lumagda sa Mavericks bilang free agent noong nakaraang summer, ay isang career 77 percent free throw shooter. Sa season na ito, napaangat nito ang kanyang percentage sa 83, at kahapon ay naisagawa nito ang 9-of-10.


‘’I thought tonight was Monta Ellis’ best game with us. He had such great command of the game offensively. He was under control, he was finding people,’’ saad ni Carlisle.


Hinirit ni Ellis ang lahat ng anim sa kanyang free throws sa fourth quarter.


‘’I want to get better, for that opportunity down the stretch to make those free throws, because I know they’re going to put the ball in my hands,’’ ayon kay Ellis.


Sa kanilang huling laro, nakalusot ang Dallas upang magwagi sa Minnesota noong Marte. Noong Miyerkules, ipinalabas ng NBA ang statement na nagsabing si Timberwolves’ Kevin Love ay dapat gawaran ng dalawang free throws mula sa two-point Mavericks’ win. Sinabi ng NBA na dapat ay napatawan ng foul si Shawn Marion.


Tinapos ng Mavericks ang unang quarter kahapon na taglay ang 15-5 run upang kunin ang 25-20 lead.


Ikinasa ng Washington ang 9-0 run upang kamkamin ang 36-35 lead, may 3:48 pa sa orasan sa unang half. Lamang ang Wizards sa 42-39 sa halftime.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Kahit may injury si Nowitzki, Mavs nagwagi pa rin sa Wizards


No comments:

Post a Comment