Think good thoughts and they will quickly become actualized in your outward life in the form of good conditions. Control your soul forces and you will be able to shape your outward life as you will.
Narito ang isang istorya na sa kalagayang ito ay lalaki ang nagger. Isa siyang perfectionist. Kahit na anong galing at sipag ng kanyang asawa ay gusto pa rin niyang gandahan pa ang ginagawa nito. Naging miserable ang buhay ni Clarissa at ng kanyang mga anak. Noong pumunta si Dante sa Saudi ay tuwang-tuwa ang kanyang pamilya. Ang ginawa ni Clarissa ay nag-aral siya ng real estate. Samantala naging hamon sa mga anak na magkaroon ng matataas na mga marka nang walang masabi ang kanilang ama.
Sa pagsasama nina Dante at Clarissa ay walang natatandaan siya na siya’y nasiyahan. Laging may mali ang sinasabi na asawa. Kumita nang malaki si Clarissa sa kanyang kapatid na maraming koneksyon bilang real estate broker.
Naipagawa ni Clarissa ang kanilang bunggalo. Ang mga bata ay sinanay ni Clarissa ng iba’t ibang trabaho sa bahay. Nag-aral nang husto si Clarissa.
Sa tatlong taon ni Dante sa abroad ay maraming nangyari sa buhay ng magiina. Naging maayos lalo na nang magaral tuwing sabado si Clarissa. Mahusay ang kanyang pamamalakad ng bagong gawang bunggalo. Pinaayos niya itong mabuti.
Inanyayahan ni Clarissa ang kanyang biyenang babae na may sakit na manirahan sa kanilang bahay. Siya ang magpapagamot. Kayat iginawa niya ng extension roon ang nanay at tatay ni Dante.
Mga condominium at townhomes ang bagong deal ni Clarissa sa mga dayuhang dumarating. Kung hindi niya ito pinauupahan ay kanyang ipinagbibili.
Tinandaan ni Clarissa lahat ng mga “dos” at mga “don’t” ni Dante.
Ganoon nga ang mga nangyari. Naging maganda ang takbo ng buhay nila sa loob ng tatlong taong hindi pag-uwi ng kanilang ama.
Nang dumating si Dante ay nagulat siya. Magaling na ang kanyang ina. Ipinagamot ito ni Clarissa.
Walang nasabi si Dante. Wala siyang pintas o reklamo. Naroong lahat na areglado ang takbo ng kanilang buhay. Pinaglaro ni Clarissa ang lahat ng mga iyon sa kanyang isip. Sa tuwa at pagkabigla ng asawa ay naging tulala ito. Hindi makapagsalita si Dante.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment