SAN PASCUAL, Batangas – Patay ang isang dating barangay chairman na kumandidatong alkalde noong nakaraang eleksiyon makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa San Pascual, Batangas.
Naisugod pa sa Dr. Mario Bejasa General Hospital subalit idineklarang dead on arrival si Antonio Jordan Tabares Jr., alyas Dayo, 42, dating kapitan ng Poblacion, San Pascual.
Ayon sa report mula kay Senior Inspector Dwight Fonte, information officer ng Batangas Police Provincial Office, bandang 8:00 ng umaga noong Disyembre 31 nang pagbabarilin si Tabares. – Lyka Manalo
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment