Nakita ni Juan Bautista si Jesus na papalapit sa kanya. Sinabi niya: “Hayan ang Kordero ng Diyos, ang nag-aalis ng kasalanan ng mundo. Ito ang tinutukoy ko nang sabihin kong ‘Nagpauna na sa akin ang lalaking kasunod kong dumating sapagkat bago ako’y siya na.’ Hindi ko nga siya nakilala pero dahil sa kanya kaya ako pumaritong nagbibinyag sa tubig upang mahayag siya sa Israel.” At nagpatotoo si Juan: “Nakita ko ang Espiritu na bumababa mula sa Langit gaya ng isang kalapati, at nanatili sa kanya. Hindi ko nga siya nakilala ngunit ang nag sugo sa akin na mag binyag sa tubig ang nagwika sa akin, ‘Kung kanino mo makita ang Espiritu na bumababa at nananatili sa kanya, siya ang magbibinyag sa Espiritu Santo.’ Nakita ko at pinatotohanan ko na siya nga ang hinirang ng Diyos.”
PAGSASADIWA
Tagapagkaloob ng Espiritu Santo ● Maipagkakaloob lamang ang Espiritu kapag natapos na ni Jesus ang kanyang misyon. Mananaog lamang ang Espiritu sa sandali ng kanyang Pagdurusa, Kamatayan, at maluwalhating Muling Pagkabuhay. Darating ang sandaling ito kapag naisakripisyo na ang Kordero ng Diyos, hindi sa Jerusalem kundi sa Bundok ng Kalbaryo. Tulad ng isang maamong tupa na dinala sa katayan, ipinagkaloob ni Jesus ang kanyang buhay bilang alay para sa katubusan ng lahat sa kasalanan.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment