Wednesday, January 1, 2014

HUWAG KANG MANGAMBA

Not yesterday load we are called on to bear. Nor the morrow’s uncertain and shadowy care; Why should we look forward or back with dismay? Our needs, as our mercies, are but for the day. – Flint


Nais kong ibahagi sa inyo ang karanasan ni Father Len Hernandez mababasa ito sa aklat niyang “PADZ”. Nasa unang taon noon sa hayskul si Father Len. Dahil nagbibinata na ay natutunan na niya ang pagporma. Isang araw hiniram niya ang relo ng kanyang ama na Seiko Automatic. Ayaw sanang ipahiram ng ina ni Father Len ang relo ng ama niya dahil mamahalin ito. At sa wakas na papayag ni Father Len ang Ina na gamitin niya pansamantala ang Seiko Automatic.



Kampante ang pari sa paglalagay niya ng relo sa bulsa niya. Ngunit isang araw, naisahan siya ng katabing pasahero. Hindi alam ni Father Len na nadukot na ang relo niya sa kanyang bulsa ng mamang katabi. Pagdating ng bahay, nalaman ng pari na nawawala ang relo ng kanyang ama. Nahintakutan si Father Len dahil lagot siya sa kanyang ina lalo na sa ama niya.


Nagpasya ang pari na ilihim ang nangyari sa magulang. Ngunit nang magtanong ang kanyang ina sa paghahanap ng signal ng TV, talagang nagulat si Father Len, “Bakit ba nawawala…” Hindi pa natatapos ang ina ay sumagot na siya.


“Hindi! Inay maniwala po kayo hindi po nawawala! Nandoon lang po sa kwarto ko.” Nabigla rin ang ina sa sagot ng anak dahil ang tinutukoy niyang nawawala ay ang signal ng telebisyon nila. Wala na siyang lusot dahil mabubuking na siya.


Nang dumating ang ama niya lalong namutla si Father Len. Napansin din ng kanyang ama ang pamumutla niya. Kaya tinanong ng ama ang ina niya Ngunit hindi pa alam ng ina ang dahilan kung kaya si Father Len ang tinanong ng ama.


Umiyak na si Father Len at nanginig na siya sa takot. Ang sinturon ng ama o walis ng ina ang iniisip niyang parusa

kapag nalaman ng magulang niya ang pagkawala ng relo.


Ngunit wala siyang pagpipilian. Kaya pinagtapat na ni Father Len ang totoong nangyari sa jeep. Pagkatapos ng kwento niya ay biglang sumigaw ang ama sa pagkagulat. Napaigtad si Father Len nang maramdaman ang yakap ng magulang imbes na sinturon o ng walis. Ang sagot ng ama, “anak, mas mahalaga ka kaysa sa isang dosenang Seiko Automatic.”


.. Continue: Balita.net.ph (source)



HUWAG KANG MANGAMBA


No comments:

Post a Comment