SA inagurasyon ng bagong command and control center ng Metro Manila Development Authority ay muling nagpaalala si PNOY sa mga alkade ng Metro Manila ukol sa wang-wang.
“Kahit may pribilehiyo po tayong maging prayoridad sa daan, pinipili ko pa ring hindi gumamit ng
wang-wang. Alam kong hindi lang pansariling oras ang mahalaga, kaya nagbibigay-raan tayo at nirerespeto ang oras ng iba. Alam po ninyo, wala pa rin pong lisensya ang sinoman na pairalin ang utak wang-wang, at maghari-harian sa daan,” dagdag pa niya, “sana naman ay magkaroon tayo ng disiplina sa daan. Kahit pa minsan, natutukso tayo–dahil na rin siguro sa init ng ulo o sa inip sa kalsada – huwag sana natin itong gawing dahilan upang baluktutin ang batas, o lusutan ang sistema. Para rin naman ito sa kapakanan ng bawat isa sa atin, ‘di po ba? Kaya
de-kotse ka man, de-motor, o tumatawid lang sa pedestrian lane, sumunod nawa tayong lahat sa mga patakaran. Huwag na nating hayaang mahuli pa at humarap sa parusa, bago matutong sumunod sa batas at sistema.”
Siyempre, ‘pag kaharap kayo ay puro oo lang sila. Hindi mo naman sila nakikita o nakasasabay araw-araw sa kalsada. Kaming mga ordinaryong motorista at namamasahe ang nakararanas ng kanilang mga
pang-aabuso. Isama na natin ang ilang miyembro ng Philippine National Police. Panggigitgit o pang-iipit, panghahawi, at kapag minalas ka pa ay lalabasan ka ng baril. Tila nalimutan na nila ang kanilang sinumpaang tungkulin na ipagtanggol ang mamamayang Filipino.
Tapos may nalalaman pa silang “TO SERVE AND PROTECT.” To serve and protect who? The power tripping politicos and high ranking government officilas. Ang galing.
Ang aking unsolicited advice sa mga opisyal ng gobyerno ay siguruhin ninyong nasa tamang isip ang mga kukunin n’yong mga bodyguard, kahit mga pulis. Pati ang pagpili ng mga magiging tsuper ninyo ay sana
pag-igihin ninyo. By hiring or employing reckless drivers and insane bodyguards, you are not only endangering your lives but the whole motoring public as well. Pati pamilya ninyo damay. Tsuper ng misis o ng mga anak ng mga opisyal dito sa atin ay napakaangas din dahil may armas o ‘di kaya’y marami sila.
Happy Birthday kay Gerald Banzon ng bandang Freestyle, champion rider Dashi Watanabe, James Ret, Joey del Rosario ng Sinangag Express, Missy de Rivera ng Toyota Motor Phils. at Christine Corros ng Alcoholics Anonymous. Welcome back to the automotive industry, Ms. Tonette Lee.
The post HARI NG KALSADA appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment