Saturday, January 4, 2014

APECO office, ibabalik sa Aurora

AURORA PACIFIC SPECIAL ECOZONE – Hindi maganda ang pasok ng 2014 para sa mga opisyal at kawani ng Aurora Pacific Economic Zone (APECO) dahil maraming kawani nito ang lubhang naapektuhan sa pagsasara ng kanilang tanggapan sa Makati City, na ibinalik na ang operasyon sa Aurora.



Isa sa pangunahing dahilan ng pagsasara ng APECO office ay ang pagkakatapyas ng taunang budget ng ecozone, na mula sa P300 milyon ay P70 milyon na lang, kaya naman ilang empleyado ang nag-resign sa pagtangging magtrabaho sa Aurora.


Matatandaang kusang nagbitiw noong Nobyembre 15, 2013 si APECO President-CEO Malcolm Sarmiento makaraang akusahan ng mga paglabag sa mga regulasyon ng ecozone, na hindi naman napatunayan. – Light A. Nolasco


.. Continue: Balita.net.ph (source)



APECO office, ibabalik sa Aurora


No comments:

Post a Comment