LLANERA, Nueva Ecija – Malungkot ang Bagong Taon para sa pamilya ng isang 16-anyos na lalaki na pinagbabaril at napatay ng isang pulis sa Barangay Plaridel sa bayang ito.
Sa report ng Llanera Police kay Nueva Ecija Police Provincial Office director Senior Supt. Crizaldo Nieves, nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang 16-anyos na si Ronnie Almuete.
Ayon sa pulisya, hapon noong Enero 1 nang nagsadya sa bahay ng binatilyo si SPO1 Jaime Giron Jr., nakatalaga sa Llanera Police, kinompronta ang teenager at walang sabi-sabing pinagbabaril. – Light A. Nolasco
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment