BATANGAS CITY – Sa pag-aakalang kikita ng malaking pera, naisahan ng dalawang dayuhan na miyembro umano ng sindikato ang dalawang retiradong guro at natangay mula sa mga ito ang may P8 milyon cash sa Batangas City.
Naaresto ng grupo ni Batangas City Police chief Supt. Manuel Castillo sina Joseph Gbalah, 36; at Robert Zico, 42, kapwa Liberian, at nakatira sa Makati City, na sinasabing mga miyembro ng international black dollar money laundering syndicate na Wash Wash Gang.
Inireklamo ang mga suspek nina Isabel Marasigan, 66; at Conchita Martin, 64, kapwa retiradong guro, at taga-Batangas City, na hinimok umano ng mga ito na bumili ng mga kemikal na mag-aalis sa itim na pintura sa pekeng dolyares, ayon kay Senior Insp. Julius Almeda. – Lyka Manalo
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment