PARIS (AP)- Umabante si topseeded Rafael Nadal sa third round ng Paris Masters habang nakuwalipika si Roger Federer sa ATP Finals sa ika-12 sunod na taon.
Binigo ni Nadal si Marcel Granollers, 7-5, 7-5, sa isang all-Spanish meeting habang dinispatsa ni Federer si Kevin Anderson, 6-4, 6-4.
‘’I didn’t play well tonight,’’ pahayag ni Nadal. ‘’Something that can happen after two weeks without playing and after a long time without playing on this kind of surface.’’
Umusad si Nadal sa 6-5 lead sa bawat set at kinubra ang panalo nang kumulapso ang forehand ni Granollers. Ang laro ang sinasabing may maikling palugit tungo sa pagwawagi, kung saan ay tinipa ni Nadal ang 20 winners kumpara sa 15 ni Granollers, bukod pa sa nakamit ang 23 unforced errors kumpara sa 22 ng kanyang kalaban.
‘’The rhythm of my legs tonight was poor,’’ saad ni Nadal. ‘’I’m slower than usual, and a lot of mistakes, easy mistakes.’’
Naglaro si Nadal sa Paris Masters sa unang pagkakataon matapos ang 2009. Hindi ito nakita sa aksiyon sa nakalipas na tatlong taon sanhi ng injuries at fatigue.
‘’The victories in days that you are not playing well have much more value than the victories on days that you play well,’’ giit pa ni Nadal.
Target ng U.S. Open champion ang record sixth Masters title sa single season. Makakatapat nito ang nakaraang taong runner-up na Jerzy Janowicz ng Poland sa third round. Pinatalsik ni Nadal si Novak Djokovic sa ibabaw ng rankings nang umentra ito sa finals ng China Open sa buwan na ito. Taglay nito ang 30-2 record sa hard courts sa taon na ito.
Bagkaroon naman ng malamyang season si Federer, nadiskaril sa second round ng Wimbledon at fourth round sa U.S. Open upang sumadsad sa No. 6 sa rankings.
‘’It’s definitely somewhat of a highlight of the season for me after having a tough few months to still make it to the World Tour Finals,’’ pahayag ni Federer.
Kinuha ng fifth-seeded na si Federer ang 5-1 lead sa second set at isinagawa ang huling pag-atake.
‘’Tough isn’t always negative,’’ dagdag ni Federer. ‘’I like it when it’s not so easy. But it’s true, I had to get up again after being sort of knocked down numerous times this year. I feel really good again, probably the first time ever since maybe Dubai.’’
Umakyat din sina defending champion David Ferrer, Juan Martin del Potro at Stanislas Wawrinka sa third round.
Pinataob ni Ferrer si Lukas Rosol, 6-0, 2-6, 6-3, habang kinulapso ni Del Potro si Marin Cilic, 6-4, 7-6 (3).
Naglaro lamang si Cilic sa kanyang ikalawang match makaraang magtapos ang kanyang four-month ban sanhi ng positive doping test, habang umentra si Del Potro sa Paris Masters matapos ang mga titulo sa Swiss Indoors at Japan Open, kasama na ang runner-up finish sa Shanghai Masters.
Umasa si Del Potro sa backhand error mula kay Cilic upang kamkamin ang 5-4 sa opening set. Kinuha rin ng fourth-seeded Argentine ang 6-2 lead sa tiebreaker at isinubi ang panalo sa isa pang backhand error ng kalaban.
Samantala, pinadapaa ni Wawrinka si Feliciano Lopez, 6-3, 3-6, 6-3, upang manatili sa karera para sa dalawang nalalabing ATP Finals spots. Sa final set, hinadlangan ng seventh-seeded Swiss si Lopez sa ikalawang laro at ‘di ito nakaharap ng anumang break points.
Nagsipagwagi rin sina John Isner, Nicolas Almagro, Gilles Simon, Grigor Dimitrov at Philipp Kohlschreiber sa kanilang second-round matches.
Sinilat ni Isner si Polish qualifier Michal Przysiezny, 7-6 (3), 4-6, 6-3.
Inungusan ni Simon si wild card Nicolas Mahut, 6-4, 6-7 (5), 7-6 (3), sa isang all-French meeting, pinigilan ni Almagro ng Spain si Ivan Dodig, 6-4, 6-3, tinapyas ni Bulgaria’s Dimitrov si Fabio Fognini, 6-3, 5-7, 6-2, habang dinominahan ni Kohlschreiber si Tommy Haas, 6-2, 6-2, sa all-German match.
..
Continue: Balita.net.ph (source)
Nadal, umentra sa third round