Nang lubos na nagtataka ang lahat dahil sa mga ginagawa ni Jesus, sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Itanim ninyong mabuti sa inyong pandinig ito: Ibibigay ang Anak ng Tao sa kamay ng mga tao.” Hindi nila naintindihan ang pahayag na ito at na lingid ito sa kanila upang hindi nila maunawaan. At takot naman silang magtanong sa kanya tungkol sa pahayag na ito.
PAGSASADIWA
Ibibigay ang Anak ng Tao sa kamay ng mga tao. Hindi nila naintindihan ang pahayag na ito. – Nagbagong-anyo si Jesus at nahayag kina Pedro, Juan, at Jaime ang kanyang kadakilaan. Pinagaling ni Jesus ang batang may epilepsi. Marami pa silang nakitang mga naunang himalang ginawa ni Jesus. Pero ano ito at ipinahihiwatig naman niyang pahihirapan siya at papatayin ng mga tao? Hindi nila maintindihan dahil nga nakatuon lang ang kanilang pansin sa mga pansamantalang mahimalang gawain ni Jesus. Samantala, ang hangarin ng Panginoon ay makita sana nila ang pagkilos ng Diyos na may bisang pangmagpakailanman—ang kamatayan niya at muling pagkabuhay. Dahil inaakala nilang para sa mundo at hanggang sa mundong ito lang ang paghahari at kapangyarihan ni Jesus, hindi nakapagtatakang sabaysabay silang nawala nang mangyari na nga ang sinasabi ni Jesus. Hindi sila inihanda ng maling paniniwala tungkol sa pamamaraan ng Diyos.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment