Ni Charina Clarisse L. Echaluce
NAKIBAHAGI sa taunang Adobo Festival sa Martinez Waterfront Park, California, USA kamakailan ang ambassadress of beauty and doctor to the stars na si Dr. Vicki Belo at ang longtime endorser ng Belo Medical Group na si Derek Ramsay.
Tinanggap ni Dr. Belo ang award na The Most Trusted Brand by Filipinos Worldwide para sa Belo Medical Group. Nagbigay din siya ng pananalita tungkol sa kagandahan sa harap ng mahigit 10,000 Filipino-Americans na dumalo.
“It’s always a pleasure to be in a gathering of Filipinos and Filipino families,” aniya.
“There’s never a shortage of laughter, fun and great food. California is the most populous US State and is home to more than half of the entire Fil-Am population in America. Everyone gets a chance to get together and celebrate all the things they miss about living in the Philippines and love about being Filipino.”
Samantala, dinumog naman ng ating mga kababayan si Derek sa Belo Medical Group at TV booths at pumila para sa kanyang five-hour autograph signing at photo-op session. Pinarangalan din siya sa nasabing event bilang The Most Popular Actor and Celebrity Endorser 2013.
Ang Adobo Festival ay sinimulan ng Filipino businessman na si Joey Camins noong 2006. Matapos tumanggap ng unanimous endorsement mula sa Bay area Centennial Fil-Am Committee ay naging isa na itong annual event. Sa loob ng dalawang araw ay napapasaya nito ang mga kababayan natin sa Amerika, sa tulong na rin ng local performers at kilalang Filipino celebrities.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment