Friday, September 27, 2013

Mister, binugbog ng asawa at kalaguyo

ANTIPOLO CITY— Malubha sa ospital ang isang mister na pinagtulungang bugbugin ng kanyang asawa at ng lalaking kalaguyo nito sa Barangay Mayamot, Antipolo City kahapon.


Ayon sa report ng Antipolo City Police kay Rizal Police Provincial Office director Senior Supt. Rolllie Anduyan, ang biktima ay nakilalang si Edhardo Lagario, 43, nakatira sa Unit 6, Sampaloc street, Pagrai, Barangay Mayamot, Antipolo City. Siya’y inoobserbahan sa Quirino Memorial Medical Center dahil sa mga sugat sa ulo at katawan.



Ang mga suspek ay sina Gemma Lagario, 38, nakatira sa Unit 6, Sampaloc stret, Pagrai, Barangay Mayamot Antipolo City at Raul Paleria, alyas “Nong-Nong”, nasa wastong gulang ng Sitio Pagrai, Antipolo City.


Lumitaw sa imbestigasyon ni SPO1 Roy Panotes na dakong 3:00 ng madaling-araw, nang umuwi si Lagario at walo sa bahay ang asawang Gemma. Naisip niyang puntahan si Gemma sa bahay ni Paleria na hinihinala niyang kalaguyo nito. Dioto ay naabutan niyang magkatabi sa higaan ang dalawa. Nagalit sina Gemaa at Paleria at pinagtulungan nilang bugbugin si Lagario.

Naaresto ng pulisya si Gemma ngunit si Paleria ay nakatakas. – Clemen Bautista


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Mister, binugbog ng asawa at kalaguyo


No comments:

Post a Comment