Ito ang huling bahagi ng ating paksa tungkol sa ilang paraan upang mapatatag ang samahan ng magasawa. Sa malawak kong pagbabasa, pakikipag-chikahan sa aking mga amiga, at sa sarili ko ring karanasan, nais ko sanang ibahagi sa mga bagong kasal at mga may-asawa ang ilang tips na napulot ko tungkol sa ating naging paksa:
- Bigyan mo siya ng panahon na makapag-isa. – Kailangan ninyo ng panahon na makapag-isa. Minsan, kailangan ng iyong asawa na magkulong sa banyo sa loob ng isang oras. Ito ay hindi dahil kailangan niyang mag-banyo kundi gusto lamang niyang lumayo sa iyo sandal. Okay lang iyon. Siguro ay nakaiirita ka, na hindi mo naman sinasadya.
- Kung kailangan ninyong magaway, idaan sa pamamasyal. – Sa aking karanasan, sa loob ng aming silidtulugan kami ng aking esposo nagtatalo at ang ugat ng aming pag-aaway ay ang kanyang paninigarilyo. Makatutulong sa pagkakaroon ng maaliwalas na kaisipan ang paglanghap ng sariwang hangin. Gawin ninyo itong sabay at malamang mauwi kayo sa tawanan kapag nakita ninyo kung gaano lumiliit at lumalaki ang butas ng inyong ilong sa paghinga.
- Kung bibigyan mo siya ng regalo, pag-isipang mabuti. – Kung binabalak mong bigyan siya ng electric egg beater or oven toaster, huwag mo nang ituloy. Ang mga regalo na nagre-require na gawin ang isang pambahay na gawain ay hindi talagang regalo. Maaaring hindi mo alam na iniinsulto mo na ang kakayahan ng iyong asawa na magluto ng mas masarap na ulam. Ang isang regalo ay dapat maghatid ng mensaheng mahal mo talaga siya. Hindi mo kailangang isulat ang “I love you” sa card na kaakibat ng iyong regalo sapagkat ang bagay na iyong ibibigay ay sapat na upang iparating sa kanya na mahal mo siya. Ang pagpapaligaya sa iyong minamahal ay isang matinding paghamon. Ito ay isang mahalagang sangkap ng pangmatagalang pagsasama ng magasawa.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment