Friday, September 27, 2013

Ex-marine, nakipagbarilan bago sumuko

Makaraan ang kalahating oras na barilan ay nasukol ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) noong Miyerkules ang isang dating kasapi ng Philippine Marines na hinihinalang lider ng drug syndicate sa Albay.



Base sa report na nakarating kay PDEA Director General Undersecretary Arturo Cacdac Jr , kinilala ang suspek na si Antonio Lopez alyas Toni, 24, lider ng Lopez- Dammang Drug group, dating Non-Commissioned Officer ng Philippine Marines Private na may ranggong First Class, at taga-Sorsogon City. Kasama niyang nahuli ang kasabwat at live-in partner na si Analyn Dammang alyas Aging, 26.


Nabatid na ang grupo nina Toni at Aging ay kumikilos sa lalawigan ng Sorsogon, Albay at Camarines Sur.


Lumabas sa imbestigasyon na dakong 6:00 ng umaga, dumating ang mga ahente ng PDEA sa inuupahang bahay ng mag live-in sa Arellano St., Bgy. Ilawod, Daraga, Albay para ihain sa kanila ang warrant of arrest na ipinalabas ni Regional Trial Court 5th Judicial Region, Ligao City Judge Amy Ana de Villa-Rosero.


Sa halip na sumuko, ay sinalubong ng baril ni Lopez mga awtoridad. Inabot ng halos kalahating oras ang habulan at barilan bago maaaresto ang suspek. Nakumpiska sa kanya ang kalibre 45 baril at 15 gramo ng shabu. – Jun Fabon


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Ex-marine, nakipagbarilan bago sumuko


No comments:

Post a Comment