Friday, September 27, 2013

Canadian teenager, laglag kay Venus

TOKYO (AP)- Dinispatsa ni Venus Williams si Canadian teenager Eugenie Bouchard, 6-3, 6-7 (4), 6-3, noong Huwebes upang umabante sa Pan Pacific Open semifinals sa unang pagkakataon.


Hinadlangan ni Williams, ang kanyang nakaraang pinakamabisa sa Tokyo ay ang pag-usad sa quarterfinals noong 2004, si Bouchard na gamit ang forehand down sa linya upang umangat sa 5-2 sa ikatlong set tungo sa pagwawagi sa larong inabot ng 3 oras sa Ariake Colosseum.



‘’She played so well,’’ pahayag ni Williams. ‘’She’s going to be a great player – she’s already a great player – and it was just a fight to the end.’’ Makakatagpo ni Williams si Petra Kvitova sa semifinals. Tinalo ng seventh-seeded Czech si Svetlana Kuznetsova, 6-4, 6-1.


Nagtagumpay rin si fourth-seeded Caroline Wozniacki kontra kay Lucie Safarova ng Czech Republic, 2-6, 6-3, 6-2, upang maitakda ang semifinal laban kay fifth-seeded Angelique Kerber ng Germany, pinataob si second-seeded Agnieszka Radwanska ng Poland, 6-4, 6-4. Sina Wozniacki at Kerber ay 3-3 sa kanilang head-to-head matches.


Napasakamay ni Wozniacki ang kanilang semifinal match sa Indian Wells noong Marso.


Pinaalalahanan ng 19-anyos na si Bouchard si Williams nang maitatag ng una ang 3-1 lead sa quarterfinals. Ngunit bumuwelta si Williams upang dominahan siya ng tatlong beses sa kanilang unang paghaharap.


Sa second set, umasa si Bouchard sa kanyang ikalawang set point, napanalunan ang tiebreak sa 7-4.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Canadian teenager, laglag kay Venus


No comments:

Post a Comment