Friday, September 27, 2013

Bulkang Taal, muling nag-aalburoto

Ni Jun Fabon


Muling nag-aalburoto ang bulkang Taal ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).


Sa inilabas na bulletin ng Phivolcs noong Miyerkules ng umaga, dalawang (2) pagyanig ang naitala sa paligid ng Bulkang Taal sa nakalipas na 24-oras.



Base sa report ni Phivolcs Director Renato Solidum, bahagyang tumaas ang temperatura ng tubig sa silangan bahagi ng lawa ng bulkan mula sa 0.79 metro hanggang 0.95 metro.


Aniya, patuloy na nakataas sa Alert Level 1 sa paligid ng bulkan at mahigpit na ipinagbabawal ang paglapit ng tao sa bunganga nito dahil sa banta ng pagsabog at dahil sa mataas na konsentrasyon ng toxic gases ng bulkan.


Pinaalalahanan din Phivolcs ang mga residente na nanatiling nakataas sa Permanent Danger Zone ang paligid ng bulkan at mahigpit ng ipinagbabawal ang pagpapatayo ng bahay malapit sa bulkan.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Bulkang Taal, muling nag-aalburoto


No comments:

Post a Comment