Monday, September 23, 2013

111,000 evacuees, ‘di kayang bantayan lahat

Ni Genalyn D. Kabiling


Dapat na bantayan ng mga pamilyang nasa evacuation center sa Zamboanga City ang isa’t isa dahil limitado lang ang tauhan ng gobyerno upang 24-oras na matiyak ang seguridad ng libu-libong evacuees.


Ito ang apela ni Deputy Presidential Spokeswoman Abigail Valte sa evacuees kasunod ng panghahalay sa isang batang babae sa isang pansamantalang tuluyan sa siyudad.



“We saw that report. It was a terrible report. The suspect is now in custody of the Zamboanga local police,” sinabi ni Valte sa isang panayam sa radyo. “We appeal to those with children, let us mind where our family members are. Let us all look out for each other.”


Isang limang-taong gulang na babae ang ginahasa umano ng kanyang tiyuhin habang nakatuloy sila sa isa sa mga tent sa Joaquin Enriquez Memorial Sports Complex sa Zamboanga City noong Setyembre 19. Nangyari ang insidente nang saglit na iwan ng mga magulang ang paslit.


Inamin ni Valte na mahirap na bantayan ang lahat ng 111,000 tumutuloy sa sports complex, na ginawang evacuation center kasunod ng paglalaban ng militar at Moro National Liberation Front (MNLF) sa nakalipas na dalawang linggo.


May 198 kawani ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang tumutulong sa evacuees sa Zamboanga City, bukod pa sa mga pulis na nakatalaga sa lugar, ayon kay Valte.


Kasabay nito, tiniyak ni Valte na paiigtingin ng gobyerno ang relief at rehabilitation operations sa mga lugar na apektado ng kaguluhan sa siyudad. May karampatang tulong din na ipagkakaloob sa mga pamilyang stressed at na-trauma.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



111,000 evacuees, ‘di kayang bantayan lahat


No comments:

Post a Comment