Tuesday, February 24, 2015

Pang-recording lang pala!

HAHAHAHAHAHAHAHA! Kung sa ganda ay maganda talaga ang ‘alternative’ singer na ‘to.


As a matter of fact, the very moment she opens her mouth and sing some of her signature songs, the audiences are palpably charmed and entranced.


Magnetic kasi ang kanyang winsome personality at cool na cool ang kanyang dating.


Sa true, sa mga producion numbers niya on national television, okay naman ang performance niya at effect naman ang pagkanta niya at kayang makipagkabogan kahit kanino.


Ang nakababaliw lang, kapag live performance pala ay wala siyang binesa.


Wala raw binesa, o! Hahahahahahahahahahaha!


Sayang na kagandahan at kakinisan. Pagdating pala sa live singing ay wala siyang binatbat.


Wala raw binatbat, o! Hahahahahahahahahaha!


Imagine, the last time we witnessed her performance on national television, she just sang a few bars of her second song and yet she was already breathless and was having some difficulty in breathing. Kung sina Sarah Geronimo at Bamboo ay hataw talaga ang performance mereseng dance galore pa sila while singing, itong ate natin ay hingal-kabayo na at hirap nang kantahin ang sarili niyang mga kanta.


Ano kaya ‘yon? Hahahahahahahahahaha!


Dati’y bilib kami sa singer na ‘to dahil she’s also into composing song na lagi na’y mega patok sa masa. ‘Yon nga lang, kapag live singing na pala ang pinag-uusapan ay hirap na hirap siya at hindi niya magawang kantahin ang mga recorded songs niya with full-unadulterated conviction. Hahahahaha!


Kung si Sarah G ay cool na cool ang banat no matter how complicated a song may be, ang ate natin ay hingal na hingal talaga at obvious na hirap.


Well, I guess she needs to do some exercises for her lungs to become stronger and flexible and for her stamina more enduring.


‘Yon lang!


SHAINA AT JC, FIRST TIME MAGTATAMBAL SA “MMK”


Magpapakilig at magbabahagi ng mahalagang leksyon sa pag-ibig sina Shaina Magdayao at JC De Vera na magtatambal sa kauna-unahang pagkakataon sa “Maalaala Mo Kaya” ng ABS-CBN ngayong Sabado (Pebrero 28). Gaganap sila bilang sina Bea at Andrew, ang magkaibigan na may sikretong espesyal na nararamdaman para sa isa’t isa noong sila ay nasa kolehiyo. Ano’ng gagawin ng dalawa kung matapos ang ilang taon ay umusbong ang pag-ibig sa pagitan nila sa kabila ng pagkakaroon na ng sariling pamilya ni Bea?


Tampok rin sa “MMK” episode sina Lito Pimentel, Daisy Reyes, Louise Abuel, Mariann Flores, Joseph Bitangcol, Ahron Villena, Paco Evangelista, at Jose Sarasola. Ito’y sa ilalim ng direksyon ni Raz De La Torre at panulat ni Benson Logronio.


Ang “MMK” ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos at creative manager na si Mel Mendoza-Del Rosario.


Sa loob ng 23 taon, bahagi na ng bawat pamilyang Pilipino saanman sa mundo ang “Maalaala Mo Kaya” na bawat Sabado ay nagpapaluha, nagpapangiti, at nagbibigay-inspirasyon sa TV viewers sa pamamagitan ng mga totoong kwentong buhay na ibinabahagi ng letter-senders ng programa. Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, “MMK,” tuwing Sabado, 7:15PM, pagkatapos ng “Home Sweetie Home” sa ABS-CBN.


Para sa iba pang updates, mag log on sa MMK.abs-cbn.com, sundan ang @MMKOfficial sa Twitter, at i-like ang http://ift.tt/1fJBE52. I-tweet ang inyong saloobin at opinyon kaugnay ng episode ngayong Sabado gamit ang hashtag na #MMKOneChance. Samantala, maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “MMK” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.


DATI’Y HATAW SA RAMI NG PROJECTS PERO NGAYO’Y SALING PUSA NA LANG!


Sising-sisi pala ang isang not-so-young actor sa magandang oportunidad na kanyang pinakawalan nong time na hataw pa ang labas niya sa isang five-star network.


Dahil may talent acting at madrama ang buhay dahil galing sa kahirapan, nakagaanan siya ng loob nang mga network excutives kaya nagkasunud-sunod ang kanyang mga proyekto.


Ang kaso, nalulong sa droga ang promising young actor kaya napunta sa wala ang nababanaag ng working press na magandang future niya sa industriya.


Sa ngayon, he’s trying to start all over again but he could no longer penetrate the network that he used to be an integral part of.


Sandamakmak na kasi ang mga young actors rito na bukod sa mga sariwa (sariwa raw talaga, o! Hahaha!) at may asset ang mga notes (may asset daw ang mga notes, o! Hahahahahahahahaha!).


‘Yon nah!


***

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at pete_ampoloquio@yahoo.com and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.


And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong! DAPAT LANG!/PETE G. AMPOLOQUIO, JR.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pang-recording lang pala!


No comments:

Post a Comment