Tuesday, February 24, 2015

‘What are we in business for, hindi ba pera naman talaga?’ – Richard Yap

SAD si Richard Yap sa nangyari kay Ai-Ai delas Alas dahil sa pagkaka-kansela ng kanyang “I Heart Papa” Valentine concert. Hindi pa raw sila nagkakausap about it but he felt bad dahil hindi na natuloy, last minute pa na-cancel.


Unlike Richard na maaga pa lang ay nag-backout na sa show. January pa lang daw kasi may nakapagbigay na ng balala sa kanila. May pinadala na dalawang articles sa kanya na hinahanap ang dalawang producers ng concert ni Ai-Ai.


Nagbigay din siya ng reaksyon sa lumabas na item noong nag-backout siya na pera-pera lang daw siya. “Well, kung isipin mo what are we in business for? Hindi ba pera naman talaga? Kung charity event ‘yun, walang problema. Gagawin natin ‘yun. Pero kung mage-event ka lang para kumita ang producer at lolokohin ka, e, ‘di huwag na lag. Ibang usapan na lang,” diin niya.


Nag-iingat lang daw sila dahil may nangyari na raw sa kanya noon na hindi sila nabayaran ng full amount sa isang out-of-town show kaya very careful na sila sa mga alok na show.


Samantala, may tsika na supposedly ay kasama rin siya sa show kung saan sangkot sa malaking kontrobersiya si Xian Lim na tulad niya ay isa ring Chinese.


“Actually, hindi ko alam. Siguro nagtanong sila pero I had another ano, may ibang event ako. So, I was in Cagayan de Oro at that time for Chinese New Year. If ever, baka tinanong nila ang hand- ler ko. Pero sinabihan na sila na, ‘Ay, meron na siyang (ibang) event.’ So, hindi na nasabi sa akin kasi hindi naman tuloy, e.”


Speaking of Gov. Salceda, may mga nagre-react sa pagpapatawad niya kay Xian nang agad-agad.


Mukhang inaalat si Xian sa tuwing nagsho-show siya tuwing celebration ng Chinese New Year.


This is the second time na nasangkot sa isyu na meron siyag nabastos, huh?


Remember ‘yung incident noong bastusin niya ang look-alike ni Kim Chiu sa Chinese New Year celebration din noon sa Binondo?


Hindi naman niya siguro nanaisin na may pumangatlo pa siya, ‘di ba?


–oooOOOooo–


Umalis ng bansa ang Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas patungong US last Monday. Walang show na gagawin doon si AiAi bagkus meron lang siyang obligasyon na dapat gawin sa Amerika.


“Kailangan ko nang pumasok sa aking pangalawang tahanan. Immigrant ako ‘di ba? Baka hindi na ako papasukin, haha,” mensahe niya.


Sa March 10 ang balik niya ng Pilipinas. Ito naman talaga ang dream ni Ai-Ai ‘yung magpapabalik-balik na lang siya sa US at Pinas kapag meron siyang project dito.


Nabanggit din namin sa kanya na nakausap namin si Richard Yap at ipinarating kay Ai-Ai that he felt sad for her sa cancellation ng kanyang concert. At kung may concert nga raw si Richard, he will consider her na maging isa sa special guests niya.


“Oo naman, Mare. Siya pa ba? Mabait ‘yung mag-asawa,” ayon pa sa Comedy Queen. SWAK NA SWAK/JULIE BONIFACIO


.. Continue: Remate.ph (source)



‘What are we in business for, hindi ba pera naman talaga?’ – Richard Yap


No comments:

Post a Comment