NA-SHOCK kami nang mag-post si Isabel Granada sa aming timeline sa Facebook tungkol sa malisyosong sex video (kuno) diumano ni Sarah Geronimo na hindi naman nagpi-play. Agad namin ‘yung dinelete.
Nagulat kami dahil hindi gawain ni Isabel ang ganoon at tiyak na malalagay siya sa alanganin.
Hanggang mabasa namin sa kanyang Facebook Accout. ”My account was hacked again.. http://ift.tt/1KhysKE annoyed.”
“Ewan ko ba. May mga iba ring nabiktima. I feel sorry for hackers kasi wala na silang magawa sa buhay nila. Nandadamay pa ng iba,” reaksyon ni Isabel.
“Nakakahiya kay Sarah. Sorry pati siya naiiskandalo,” dagdag pa ng aktres.
Anyway, magiging host si Isabel sa Hataw SuperBodies 2015 sa February 28 sa Area 05, Tomas Morato katuwang si John Nite. Special guest naman sina Meg Imperial, Vhong Navarro ka-lokalike Mark Tyler Dela Cruz, indie actor Raymond Cabral at si Tyrone Oneza.
May final go-see para sa male and female models sa February 8, 2015, Sunday, 10AM to 1PM sa 42 Sct. Borromeo, Quezon City.
Pak!
-0o0-
Pinagalitan pala ni Regine Velasquez si Ogie Alcasid dahil sa pagpo-post ng I’m pregnant’ sa Facebook.
“Ikaw kasi, akala nila buntis ako,” sey raw ni Regine na natatawa raw ang baby nilang si Nate.
Minsan pala ay dumating ‘yung point na akala niya ay buntis si Regine pero hindi pala.
“If it’s God’s will, ‘yun lang naman. Pero wala, e,” sambit pa ng singer-composer na may bagong show sa TV 5 na “Rising Stars”.
Tsuk!
-0o0-
Magbabalik ang original Asianovela heartthrob na si Jerry Yan ng F4 bilang eligible bachelor na biglang magiging ama sa pinakabagong primetime serye ng ABS-CBN na “Unforgettable Love.”
Unang minahal ng mga Pilipino bilang si Dao Ming Zi sa phenomenal Taiwanese serye na Meteor Garden, gagampanan ni Jerry ang kanyang pinaka-challenging at pinakaromantikong papel sa espesyal na dramang ito na ginawa pa sa mainland China. Gaganap naman bilang kapareha niya ang sikat na Chinese actress na si Tong Li Ya.
Huwag palalampasin ang pagsisimula ng kwentong hindi niyo malilimutan sa Unforgettable Love ngayong Lunes (Feb. 2) pagkatapos ng Aquino&Abunda Tonight sa Primetime Bida ng ABS-CBN.
-0o0-
Ginawaran kamakailan si ABS-CBN president at chief executive officer (CEO) Charo Santos-Concio ng Fleur-de-lis Award, ang pinakamataas na pagkilala para sa mga natatanging alumni ng St. Paul University Manila.
Ayon sa pangulo ng St. Paul University – Manila na si Sister Ma. Evangeline Anastacio, binigyan ng parangal si Charo dahil sa kanyang tagumpay at malaking kontribusyon sa larangan ng telebisyon at walang maliw na suporta sa kanyang alma mater.
“Inspirasyon si Charo para sa mga kapwa niya Paulinian dahil sa hindi matatawaran niyang kahusayan sa kanyang larangan at ang dedikasyong lumikha ng mas makabuluhang mga drama at public service program sa telebisyon,” pahayag ni Sis. Evangeline tungkol kay Charo, na nagtapos ng kursong communication arts, cum laude sa St. Paul University Manila.
Ani Charo, habang nag-aaral siya noon sa St. Paul ay isinasabay niya ang pagtatrabaho bilang part-time voice talent at host sa isang noontime show sa radyo.
“Kailanman ay hindi nawala ang pagmamahal ko sa media. Noong nag-aaral ako, naisip kong kaya kong maglingkod sa bayan sa pamamagitan ng media,” sabi ni Charo. “Sa ABS-CBN, ginagawa ko ang mahal kong gawin—ang magbahagi ng mga kwentong nagbibigay sa mga tao ng inspirasyon, kaalaman at pag-asa.”
Nanalo rin si Charo ng tatlong international awards noong 2014 dahil sa kanyang epektibong pamamahala bilang president at CEO ng pinakamalaking multimedia conglomerate sa bansa.
Iginawad kay Charo ang Gold Stevie Award sa kategoryang Female Executive of the Year in Asia, Australia or New Zealand sa prestihiyosong Stevie Awards for Women in Business; Gold Stevie Award para sa Woman of the Year category para sa lahat ng mga bansa sa Asia-Pacific (maliban sa Australia at South Korea) sa 2014 Asia-Pacific Stevie Awards; at pinangalanan din siyang Asian Media Woman of the Year ng ContentAsia, isang nangungunang publication na pinagkukunan ng mahahalagang impormasyon tungkol sa entertainment media industry sa buong Asia-Pacific.
Itinalagang CEO ng ABS-CBN si Charo noong Enero 2013. Bago nito ay nagsilbi siyang president at chief operating officer mula 2008. Naging head of Channel 2 Mega Manila Management si Charo noong 2007 at kumuha ng Advanced Management Program sa Harvard Business School sa parehong taon.
Kilala si Charo bilang host ng longest-running drama anthology ng ABS-CBN na “Maalaala Mo Kaya.” Nagsimula siya sa ABS-CBN bilang TV production consultant noong 1987 matapos maging line producer sa BanCom, Audiovision, Vanguard Films, Regal Films, and Vision Exponents. Nagsilbi rin siyang film production manager sa Experimental Cinema of the Philippines. XPOSED/ROLDAN CASTRO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment