NAGKITA kami ni Basya, ang aming tsismosang gala girl noong isang araw lang.
Nagkwento s’ya sa amin at unang lumabas sa kanyang bibig o sa Kanyang pagbibida ay ang ilang mga nangyari sa nakaraang birthday celebration ng TV host na rating pamoso at bulagsak sa salapi.
Sabi ni Basya, mga alas-diyes ng gabi dumating si Willie sa location kung saan ginanap ang kanyang ika-54 na taon. Halos lahat ng kanyang mga bisita ay kanyang pinuntahan at kaunting tsika sa mga ito upang makamayan ang mga kaibigang dumalo.
Isang simpleng birthday party ang inihanda ni Willie Revillame para sa kanyang mga kaibigan na sabi nya na hindi s’ya iniwan maging nasa itaas man siya o ibaba.
Ginanap ang kanyang selebrasyon sa rooftop ng kanyang Wil Tower Mall sa Quezon City nitong Martes, January 27.
Matapos nito, kumanta si Willie sa stage ng mga hit songs nitong Ikaw Na Nga, I Love You at Para Sa ‘Yo kasabay ng isang band.
Pero laking gulat ni Basya, dahil mukhang bilang na bilang lang ang mga bisita ni Willie. ‘Yun bang sasabihin mo na isa na lang s’yang ordinaryong tao na wala ng salapi. Kulang na lang daw na isipin ni Basya na tuluyan nang naghihirap ang dating super-yaman at kitang-kita sa mga dumating na invited n’ya ay halos iilan at mabibilang sa ating mga daliri.
Pero in fairness, totoo ngang mga loyal sa kanya ang mga naroon at kung ano’ng ngiti ni Willie para sa lahat ay s’yang halakhak naman ng ilang mga kasama sa panulat dahil ‘di sila umuwi ng luhaan. o, ‘di ba?… ‘yan ba ang sasabihing naghihirap na si Papa Wil?
‘DREAM DAD’ NINA ZANJOE MARUDO AT JANA AGONCILLO…NAKABABALIW!
Sa umpisa ng aming mapanood ang kabuuan ng ‘Dream Dad’ nuong unang araw sa primetime bida ay masasabi nating super-boring ang nasabing teleseryeng pinagbibidahan nina Zanjoe Marudo at ng bagong child star na si Jana Agoncillo at tila ‘di magtatagal sa panlasa ng mga manonood. Pero nang lumaon ay unti-unting binabago ang aming mood at ayun tinamaan na rin kami ng tinatawag na nakakaaliw o nakakabaliw. Kasi naman sa kabuuan ng istorya ay mararamdaman ang kakaibang karanasan na kahit sabihin pa natin na isang istoryang ordinaryo pero dahan-dahang mararamdaman ang mga kahalagahan ng bawat himaymay ng kanilang pagganap at makikita sa pag-ikot ng istorya ang napakaraming makukuhang aral o moral lesson para sa isang masalimoot na takbo ng buhay nang isang pamilya.
Meron silang kanya-kanyang ginagalawan na mensahe sa naturang istorya. Si Zanjoe isang binatang pinagtampuhan ng panahon o dahil sa paglalarawan tungkol sa kanyang pag-ibig sa isang minamahal. Si Jana, isang ‘di maintindihan kung ano o saan magtatapos ang takbo ng kanyang kalungkutan dahil hindi n’ya makita o wala siyang pamilyang nagmamahal at doon malalaman ang kanilang kanya-kanyang tatakbuhin na sistema kung papano sila magbibigay ng kasiyahan sa mga bawat makapanonood ng naturang teleserye.
Totoong nakababaliw o nakakaaliw kaya mismo kami na rin ang siyang mag-iimbitang panoorin ang nabanggit na bagong teleserye ng taon, ang ‘Dream Dad’ sa sa ABS-CBN kapamilya. SEE ME!/MANNY D. CAMACHO, JR.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment