Wednesday, February 25, 2015

Ang lalaking nangarap na maging Coco Martin!

NANGHINAYANG kami rito sa gwapo pa namang hunk actor na hindi nagtagal sa pelikula at sa telebisyon. Papaganda na sana ang career nito kung hindi siya narahuyo rito sa isang sultry starlet. Imagine mo naman, sinusundan-sundan siya ng babaeng ito kahit sa location at maging sa happenings ng barkada ng actor sa sing-along bar, at dito na na-churva ang actor ng starlet.


One time, merong taping ang gwapong hunk actor para sa isang drama anthology, pinuntahan siya ng hitad kaya palaging may-I-go out sa set ang damuho para kausapin ang starlet na nasa loob na caro nito.


Nabibinbin tuloy ang taping dahil parati itong tinatawag ng malanding starleta. Kapag take na at dito naimbiyerna ang statinandaan nila na hindi na mauulit ang guesting nito, true enough hindi na nga naulit ang guesting nito sa malaking TV network.


Palibhasa’y gwapo na at magaling din namang umarte may kumuha sa kanya sa pelikula mga 3 days shooting ang alok sa kanya. Ang siste gusto niyang may kahabaan ang eposure niya para naman makilala siya at matandaan ng mga mahilig sa sine nagpakitang-gilas siya sa director ng pelikula at pinagbutihan niya ang acting at dito na-impres si directed by. Nakipagpalagayan siya ng loob kay direk during break (lunch time) at sinabi nito kay direk na sana kung maaari ma-extend ang papel niya para makilala naman siya.


Yes, sabi ni direk na may pagnanasa pala ito sa hunk actor at sa bahay ka matutulog mamaya pagka-pack-up. Game naman pala ang putah at sumama nga at doon na natulog sa bahay ni direk at alam niyo na ang kasunod na mangyayari, for the sake of arts. Ha!ha!ha!


-0-


Kung ang Pilipinas meron Coco Martin, meron din sila sa Japan, si Kuko Nimartin, isang half Pilipino half Japanese na magaling kumanta at in-demand siya roon sa land of the rising sun. Yes, bubbles Brazil, nagustuhan namin ang video na aming napanood na pinadala ng aming kaibigan at hindi lang sa pag-awit siya mahusay pati na rin sa pagko-comedy on stage. Pangarap ni Kuko nimartin na makapasok siya sa local showbiz at maging recording star din.


Ipinanganak siya sa Japan at dito siya lumaki sa Alangalang, Leyte at nag-aral sa Manila sa St. Paul College at palagi ngayon nasa Japan nagpe-perform sa mga night clubs. At sana nga makapasok nga siya sa local showbiz. Ciao Bambino! MEMORABILIA/MATUK ASTORGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Ang lalaking nangarap na maging Coco Martin!


No comments:

Post a Comment