NAPABILIB ni Ryzza Mae Dizon ang dating Child Wonder noong dekada 70s hanggang 80s na si Niño Muhlach. Ayon kay Niño, hindi raw kasi nito inagawan ng “moment to shine” si Alonzo nang magtambal sa sila sa 2014 Metro Manila Film festival entry na My Big Bossing at sa talk show ni Ryzza na The Ryzza Mae Show.
Kwento pa niya, “Si Ryzza? Tuwang-tuwa ako kay Ryzza nung nagkasama sila ni Alonzo…Kumbaga, lagi niyang binibigyan ng sariling time si Alonzo para mag-shine. Hindi kagaya ng iba na, child star ka, ‘Pwede kitang hindi pagsalitain sa show ko, ‘di ba? Parang, ‘Ako ang bida, ‘di ba?’ Pero hindi niya ginawa kay Alonzo, talagang alagang-alaga niya. She was very nice to my son, tinutulungan niya, kaya bilib na bilib ako sa batang ‘yon.”
Samantala, Nag-sign na rin ng contact si Onin para sa kontrata ni Alonzo kasama ang Viva Entertainment at magiging co-manager nila ang D’Wonder Films, ang production outfit ni Niño, at siyang magpo-produce sa mga mga ire-remake niyang pelikula para sa anak. Kaya abangan na lang daw ang mga proyekto ni Alonzo soon.
***
Nalokah si Angelica Panganiban sa naging asal ng ilang movie viewers nang i-tag pa sa kanya ang screenshots ng pirated copy ng pelikula nila ni JM de Guzman, ang “That thing Called Tadhana.”
“Alam ba nilang ilegal ‘yung ginagawa nila? Dapat hindi nila ginagawa ang ganyang bagay dahil alam naman nila na ilegal ‘yun! At hindi makatutulong sa ating movie industry,” sey ni Angelica.
Simula nang maipalabas ang nasabing pelikula sa mainstream cinemas, marami rin ang nag-upload online ng Cinema One Originals movie na ito na unang ipinalabas noong 2014. Bagama’t ang iba ay ipinababa na ng Star Cinema, na distributor ng pelikula, marami pa rin ang nag-a-upload ng pelikula hindi lamang sa YouTube.
Hanggang ngayon ikinaiinis pa rin ito ni Angel lalo pa’t marami rin ang nag-tag sa kanya sa mga nai-post ng screenshot ng pelikula.
“Hindi ba nila alam ang pagtangkilik nila sa piracy ay tuluyan na kaming mawawalan ng trabaho sa mga ginagawa nila. Sana ‘wag naman, kasi marami ang maaapektuhan nito,” dugtong pa niya. SABEEE!/THROY J. CATAN
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment