Friday, January 17, 2014

Volkswagen

Enero 17, 1934, iprinisinta ni Ferdinand Porsche ang kanyang konsepto ng Volkswagen sa German Reich Ministry of Transport, sa kanyang “Study for the Production of a Germany People’s Car.”


Ayon kay Porsche, ang people’s car (“Volkswagen”) ay kailangang binubuo ng light materials, tumatakbosa bilis na hanggang 100 km/h, at dapat na matibay. Dahil sa hirap sa ekonomiya nang mga panahong iyon, ramdam ng automobile makers ang pangangailangang gumawa ng hindi kamahalang sasakyan.



Pumayag ang German political leaders sa kanyang konsepto. Noong Hunyo 22, 1934, pinagkalooban siya ng Reich Association of the German Automobile Industry ng kautusan na idisenyo at buuin ang Type 60 Volkswagen prototypes, na nakumpleto nang sumunod na taon.


Nagsimula ang commercial production ng Volkswagen units noong summer ng 1945, gayundin ang Volkswagen Beetle. Kalaunan ang mga unit na ito ay naging airconditioned, nagkaroon ng four-cylinder rear-fitted boxer motors, at gumamit ng Porshe torsion bar suspension technology. Tumagal ang produksiyon hanggang Hulyo 2003, at nakabuo ng 21.5 milyong sasakyan.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Volkswagen


No comments:

Post a Comment