ALAM ni Ogie Alcasid na nakaka-reach sila sa mga kabataan kapag dinadala nila ang show na “Tropa Mo Ko Unli” sa iba’t ibang lugar. Tulad ngayon ay tuloy-tuloy pa rin sila sa iba’t ibang mga university.
Pinasasaya nila ang mga kabataan sa sunod-sunod na portion ng comedy show na napapanood na live. ‘Di malilimutan ng mga estudyante si Ogie sa kwelang pag-host nito sa Battle of the Brainless.
Kasama nito ang mga batikang komedyante at mga bagets star ng Kapatid network na sina Vin Abrenica, Sophie Albert, Mark Neumann, Shaira Mae, at kasama rin ang dalawang sikat na young actress ng TV5 na sina Eula Caballero at Ritz Azul.
‘Di lang sa universities ang “Tropa Mo Ko Unli” napapanood. Last December ay nagkaroon sila ng special Christmas presentation sa mismong bayan ni Ogie, ang Taal, Batangas. Maraming natuwa sa taped presentation dahil maraming nakikitang iba’t ibang lugar sa nakatutuwang eksena.
The post Tropa ni Ogie Alcasid, patuloy na maglilibot sa mga unibersidad appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment