NAGBIGAY na ng mga dokumento sa NBI si Federation of the Philippine Industries Jesus Aranza upang igiit na iisang tao lamang si Davidson Bangayan at David Tan na sinasabing lider ng rice smuggling sa bansa.
Lumutang si Aranza sa NBI upang magbigay ng mga dokumento na magpapatunay na kakilala niya si Bangayan o David Tan.
Una nang sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima na ipatatawag ng NBI si Aranza na nagbunyag na si David Tan ang hari ng rice smuggling at nakatransaksiyon ng negosyanteng Singaporean para sa kanyang negosyong scrap metal.
Una nang inihayag ni Aranza na posibleng kilala ng Singaporean businessman kung sino si Tan at makapagpatunay na kapareho rin ito sa pinatutugis ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Sa panayam kay Atty. Benito Salazar, counsel ni Bangayan, itinanggi nito na magkakilala sina Bangayan at Aranza dahil taga-Metro Manila aniya ang kanyang kliyente na una nang tinukoy ng nasabing testigo na ang rice smuggler king ay galing ng Davao City.
The post Testigo vs David Tan lumutang na appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment