BUMANAT ng bagong tira si Pinoy super GM Wesley So upang pasukuin si GM Boris Gelfand matapos ang 29 moves ng Sicilian sa nagaganap na 76th edition ng Tata Steel Chess Tournament sa Wijk aan Zee, Netherlands kagabi.
Sumulong ng bagong linya si No. 8 seed So, (elo 2719) na Qd2 sa 8th move para bigyan ng pressure ang seed No. 4 Gelfand (elo 2777) ng Israel.
“In the opening I played some new moves which was over the board, I felt the opening was just equal but I tried to put some pressure.” wika ng 20-anyos na si So.
Pinag tyagaan ni So na atakihin ang mga pawn ni Gelfand sa queenside hanggang sa pumabor na ang posisyon sa Pinoy woodpusher.
“I think he miscalculated something in the middle game he had some pawn weaknesses which I managed to exploit and in the end game we were getting into time trouble. saad ni So na nag-aaral sa Webster University.
“His Qe4 was a mistake.” dagdag pa ni So.
Nilista ni So ang 3.5 puntos matapos ang round five upang makisalo sa second to third place sa event na may 12-man single round robin.
Si GM Anish Giri (elo 2734) ng Netherlands ang kasama ni So sa puwesto habang solo sa tuktok ang top seed na si GM Levon Aronian (elo 2812) ng Armenia.
Giniba ng world’s No. 2 player Aronian si GM Arkadij Naiditsch (elo 2718) ng Germany sa 57 moves ng Ruy Lopez Berlin Wall habang pinisak ni No. 7 seed Giri si GM Pentala Harikrishna (elo 2706) ng India sa 71 sulungan ng Giuoco Piano.
Nasa fourth to sixth place sina GMs Leinier Perez Dominguez, Fabiano Caruana at Sergey Karjakin tangan ang tig 3 points.
Pinagpag ni Dominguez (elo 2754) ng Cuba ang 17-year old GM Richard Rapport (elo 2691) ng Hungary matapos ang 31 moves ng English habang Pinayuko ni Fabiano (elo 2782) ng Italy si GM Loek Van Wely (elo 2672) ng host country matapos ang 73 sulungan ng Sicilian.
Tabla ang resulta ng laro ni Karjakin (elo 2759) ng Russia kay No. 2 ranked GM Hikaru nakamura (elo 2789) ng USA sa kanilang 24 moves ng Nimzo-Indian.
Samantala, pihadong mapapalaban si So sa sixth round dahil haharapin na nito si Aronian.
Isang beses pa lang naghaharap ang dalawa, ito’y sa Chess Olympiad kung saan ay nauwi sa draw ang kanilang laban.
The post So binalatan si Gelfand appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment