Ni Genalyn D. Kabiling
Upang mapabilis ang rehabilitasyon sa mga lugar na matinding nasalanta ng sunudsunod na kalamidad sa bansa, nilagdaan na ni Pangulong Aquino ang Republic Act No. 10634 na naglalaan ng P14.6 billion supplemental budget para sa calamity fund ng gobyerno.
“The Joint Resolution of both houses of Congress on the supplemental allocation of P14.6 billion has been signed by the President,” sabi ni Presidential Communications Operations Secretary Herminio Coloma Jr. Una na nang sinertipikahan ng Pangulo bilang urgent bill, ang supplemental budget ay nakasaad sa joint resolution na ipinasa ng dalawang kapulungan ng Kongreso noong Disyembre 9. Ito ay kukunin sa pork barrel fund ng mga mambabatas na hindi na ipinalabas matapos magdeklara ang Korte Suprema na ang pondo ay unconstitutional.
Ang supplemental budget ay karagdagang P11.2 bilyong pondo sa 2013 calamity fund at P3.4 billion quick response fund ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ito ay gagamitin sa relief and rehabilitation services, pagkukumpuni at rehabilistasyon ng mga nasirang ari-arian at imprastraktura sa mga lugar na hindi lamang sinalanta ng bagyo at lindol ngunit maging naging sentro ng karahasan tulad ng Zamboanga City siege na naganap noong Setyembre.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment