Friday, January 17, 2014

New Era, PLM nanguna sa Nursing exam

Nanguna ang mga graduate ng New Era University at ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) sa 2013 Nursing Licensure Examination.


Ayon sa Professional Regulation Commission (PRC), kapwa nakakuha ng grade na 86.20 sina Kristine Joei Azarcon Dana ng New Era at Nikko Martel Viray, ng PLM.



Ang dalawa ang nanguna sa 10,977 na nakapasa sa pagsusulit noong Disyembre 2013.


May kabuuang 35,475 examinees ang kumuha ng pagsusulit na isinagawa sa Manila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Dagupan, Davao, Iloilo, Laoag, Legazpi, Lucena, Nueva Ecija, Pagadian, Pampanga, Tuguegarao at Zamboanga City. – Mary Ann Santiago


.. Continue: Balita.net.ph (source)



New Era, PLM nanguna sa Nursing exam


No comments:

Post a Comment