TILA magkakaroon na naman ng network war sa pagitan ng ABS CBN at GMA-7 dahil sa nangyaring pambubugbog, pambababoy, pananakot at ikstorsyon kay Vhong Navarro ng grupo ni Cedric Lee at ng kasabwat na 22-anyos na estudyanteng si Deniece Milinette Cornejo dahil sa kumakalat na mga litrato sa internet na magkasama ang Chairman at CEO ng Kapuso at itong complainant umano ni Vhong.
Pinalalabas nitong si Deniece na lolo nito si Atty. Gozon at ang isa pang taga-GMA. Sa Facebook account nito ay naka-post ang nabanggit na photo with matching caption ng ganito: “With my lolo Rod of GMA-7..with lolo Atty. Gozon.” Mali pa nga ang nailagay nitong apelyido ng abogado dahil Gozum ang naisulat nito.
Kaya naman ang ilan sa mga panatikong tagapanood ng Channel 2 ay nagdududang baka raw plinano ito ng Siyete at ni Deniece at mga kasama nito para siraan ang dancer/host ng Dos at bumagsak ang rating ng programang hawak nito.
Para itanggi ang anomang agam-agam na nasa isip ngayon ng mga taga-Kapamilya, sa official Facebook page ng GMA Network ay klinaro nila na ang complainant involved in the Vhong Navarro incident is not related to Mr. Gozon.
Narito ang kanilang statement:
“This is to clarify that the complainant involved in the Vhong Navarro incident is not related to GMA Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon.
“From the moment GMA News learned of the story, it sought the side of Vhong Navarro. Roño, his manager, gave GMA News a written statement, which was aired yesterday. Today, GMA News aired an interview with Navarro’s lawyer Atty Alma Mallonga. The report about the alleged attempted rape was based on the blotter filed at the Investigative Section of the Southern Police District where Vhong Navarro was taken after the incident. Other news organizations also reported it.”
Gayunman, ang sinasabing lolo Rod ni Deniece ay si Mr. Rod Cornejo na marketing executive ng GMA-7.
***
Sa ngalan ng parehas na pagbabalita ay narito ang side ni Cedric Lee. Pero hindi kami sigurado kung ito ay kanyang official statement. Mga mga pahayag na ito kinuha lang namin sa isang blogsite. Narito ang kanyang mga sinabi:
“Ang napanood niyong interview is planned by the station para lumabas na walang kasalanan si Vhong.
He clearly had the intention to rape Denise at that time, naawa kami kay Denise kaya binugbog namin siya. Wala kayong alam sa totoong nangyari kaya ‘wag kayong manghusga agad. Mayayaman kami aanohin namin ang 1M? Wag kayo maniwala sa mga lumalabas sa media, malakas ang kapit niyan ni Vhong sa station kaya’t kaya niyang baguhin ang istorya with the help of media. Sana pakinggan niyo ang side namin.
“This is not about the STATION WAR people, open your minds! Ganyan na ba kayo kabobo? Napakadali niyong maniwala sa mga balita. The main reason here is Vhong Navarro committed a frustrated rape. Sa madaling salita pinagtatanggol niyo ang isang RAPIST!
“Siyempre pati ang mga Kapamilyang makikitid ang utak ay sinusuportahan ang rapist na si Vhong.
Social Media for now is Hazardous, so Judgmental. Iisang panig lang pinapakinggan niyo makinig naman din kayo sa panig namin.
“Please Don’t Judge Denise Millet Cornejo. Don’t accuse her she really don’t know what to do that time and we just defend him to Vhong Navarro, Please stop this Rumors.
“Syempre dinepensahan nya din ang sarili nya, sinabi nya ang mga katagang “I’m not a criminal” at dagdag pa nya “Don’t Hate me for who I am, nagpapakatotoo lang.
“For the last time, Pinalalabas ni Vhong na iginapos, itinali, at hiningan ng 1M ngunit ang nangyari lang naman talaga ay binugbog namin siya at dinala sa pulis para mai-blotter, ‘yun lang ang tangi naming ginawa sa kanya. Uulitin ko mayaman kami ‘di namin kelangan ng 1M dahil meron kami nyan. Natatakot lang siyang mabansagang rapist dahil sa ginawa niya kaya’t nililihis niya ang istorya. Kung totoong normal na gumagana ‘yang pag-iisip niyo, hindi kayo basta-basta maniniwala sa mga sinasabi ng Media. Everything you have watched before is carefully planned by the station, 22 nangyari ang panghahalay, bakit nung 24 lang nilabas ng media ang issue? Para lalo kaming madiin ni Denise!
“Ipagtatanggol ko ang friend ko sa mga akosasyon niyo. Maglabasan na ng ebidensya kung kinakailangan. Nonsense Issue. Vhong is a Rapist.
“Hindi namin papatayin si Vhong pinagtanggol lang namin ang babae na binastos niya. Kung kayo may babaeng kaibigan pag binastos ‘di ba ipagtatanggol niyo? Lumaban kasi si Vhong at binitawan kami ng mga salitang hindi kaaya-aya.”
***
Heto naman ang komento ng isang internet user: “Cedric lee was Deniece’s ex boyfriend. This is a real case of extortion, woman entices a man into a compromising situation, and then victimizes him by demanding money when her male accomplices, often pretending to be the enraged arrives on the scene, threatening violence or scandal. Cedric Lee was the same person who was reported by David Bunevacz to the NBI for abducting him and beating him up and threatening his family. The way you talk gave you away – “Ganyan na ba kayo kabobo? Syempre pati ang mga kapamilyang makikitid ang utak at sinusuportahan ang rapist na si Vhong.” Sounds to me like a criminal talking!”
***
For comments, suggestions & news feed, text me at 09234703506/09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 2-3 p.m, Monday to Friday. Mabalos!
The post Nangyari kay Vhong pakana ng GMA-7? appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment