Saturday, January 4, 2014

Michael Douglas at Catherine Zeta-Jones, nagkabalikan na?

MULING nagkasama sina Michael Douglas at Catherine Zeta-Jones para ipagdiwang ang Bagong Taon kapiling ang kanilang mga anak.


Ang bituin ng Behind the Candelabra at ang kanyang 44-anyos na asawang aktres, ay pansamantalang nagpahinga sa kanilang 13- taong kasal noong Agosto, ay lumipad sa Quebec, Canada, upang salubungin ang 2014 kasama ang kanilang

anak na sina Carys, 10, at Dylan, 13.



Nagbahagi ang 69-anyos na bituin ng litrato ng kanyang masayang pamilya na nakataas ang kanilang ski poles sa Facebook noong Miyerkules na may caption: ‘’Happy New Year from Quebec, Canada… where it is minus 10F.’’


Hindi niya mapigil ang sarili at nagpaskil ng isa pang litrato niya sa slopes kasama ang kanilang mga anak at isinulat na : ‘’One more Happy New Year picture from Quebec, Canada.’’


Isang source ang nagbunyag kamakailan na desperado si Michael na kumbinsihin ang bituin ng Chicago na bigyan ng isa pang pagkakataon ang kanilang kasal.


Sinabi ng insider noong nakaraang buwan na: ‘’Michael would give his right arm for a reconciliation but Catherine’s warned she is not ready to commit and she’s still not ruled out divorce.’’


Ngunit ang dalawa ay nakitang suot ang kanilang wedding bands habang paalis sa kanilang apartment sa New York City para mananghalian at manood ng sine kasama ang kanilang mga anak ilang linggo na ang nakalilipas.


Dati nang sinabi ni Michael na: ‘’I hope to resolve my marriage in a positive fashion. Sometimes people take a little bit of a break, but it doesn’t necessarily mean that’s the end. I’m very hopeful.’’


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Michael Douglas at Catherine Zeta-Jones, nagkabalikan na?


No comments:

Post a Comment