Monday, January 13, 2014

Malacañang: House arrest kay GMA, Sandiganbayan ang magdedesisyon

Ni Genalyn D. Kabiling


Ang Sandiganbayan ang magdedesisyon kung isasailalim sa house arrest si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga 2nd District Rep. Gloria Arroyo.


Ito ang inihayag ni Presidential Communications Operations Secretary Herminio Coloma Jr., sinabing walang masamang hinahangad si Pangulong Benigno S. Aquino III laban kay Arroyo, pero hindi ito maaaring makialam sa mga kasong nakabimbin na sa korte.



“The government has no ill will (against Arroyo). We also wish former President Gloria Macapagal Arroyo well but we must recognize what the law states, that the Sandiganbayan has jurisdiction over this matter,” sinabi ni Coloma sa isang panayam sa radyo.


Ipinaubaya na rin ni Coloma sa kampo ni Arroyo kung nais nitong maghain ng petisyon sa Sandiganbayan para sa posibilidad na isailalim na lang sa house arrest ang dating presidente.


Umapela kamakailan sa gobyerno ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na magpakita ng malasakit kay Arroyo sa pagsasailalim dito sa house arrest. Sinabi ni Fr. Melvin Castro, executive secretary ng CBCP Episcopal Commission on Family and Life, na sa pagsasailalim kay Arroyo sa house arrest ay malaki pa ang matitipid ng gobyerno.


Nakapiit ngayon si Arroyo sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City kaugnay ng kinakaharap na kasong plunder at election fraud.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Malacañang: House arrest kay GMA, Sandiganbayan ang magdedesisyon


No comments:

Post a Comment