Thursday, January 23, 2014

Lexie Fernandez, mandaraya!

KUNG hindi pa ipinarating ng ilang press kay TJ Trinidad na siya ang pinariringgan ng mag-inang Maritoni at Lexie Fernandez na matanda na para patulan ang isang bata sa pamamagitan ng social media ay walang-wala itong

kaalam-alam.


Kasama sa cast ng The Barrowed Wife si TJ at Camille na sangkot sa isyu kung saan sila nina Lexie ang magkakasamang guests at naglaro sa game show na Celebrity Bluff na hindi na tinapos dahil nandaya raw ang anak ni Maritoni.


Walang social media account si TJ kaya hindi nito alam na may mga parungit sa kanya ang mag-ina.


Nag-ugat ang tweet ni Maritoni dahil pinagbintangan diumano ng aktor na nandaya ang anak nito sa laro sa nasabing game show last Sunday (hindi na nailabas dahil sa nangyaring dayaan daw). Walang binanggit na pangalan si Maritoni pero obvious na si TJ ang pinatutungkulan niya ng kanyang tweet na “Ang tanda mo na nangbu-bully ka pa sa mga bata! Learn to be a good sport! Nakahihiya ka! YOU know who YOU are! Game show lang yan hoy!”


Naging maagap din sa pagtatanggol si Lexi dahil last January 13, nag-post din ito sa Twitter ng “When someone says something false about you, you stand up for yourself no matter what. Don’t let them manipulate you or the people around you to think that they can get away with giving out the wrong information. Either be right or just keep quiet. Treat others the way you would want to be treated. Give respect, get respect.”


Hindi na sana mauungkat ang isyu kung hindi nag-tweet ang mag-inang Maritoni at Lexi. At para matapos ang isyu ay hiningan ng ilan press ang magaling na aktor ng paliwanag sa tunay na nangyari sa paglalaro nila sa nasabing game show.


“Wala akong Twitter or Facebook so I don’t know what`s being said. Actually, na-advice ako ngayon lang na may lumabas daw.


“I understand that a parent will get protective of their children because I`m also a parent, a recent parent. So I understand where they`re coming from but we can all sit down and talk about it. Nothing would be resolve through social media.


“This is a free country. They can do what they want, whether or not it`s gonna be resolved, that`s really the question that should be answered,” cool na parang hindi naman apektadong pahayag ni Trinidad.


Ayon pa rito, si Camille raw ang nagparating sa kanya na nandaya raw diumano si Lexi sa game show na napatunayan nga ng actor na tila nandaya nga raw diumano ang anak ng dating aktres kaya nagreklamo ito at sinabi sa production.


***

AYAW MAGSUOT NG KAMISON, BEA BINENE ATRAS SA SERYE; KIM RODRIGUEZ WALANG PAKI, SINUNGGABAN ANG ROLE


ANG pagsusuot ng kamison sa bagong serye ng GMA 7 na Paraiso Ko`y Ikaw ang tila naging dahilan kaya umatras si Bea Binene at napunta naman ngayon kay Kim Rodriquez na walang pakialam kesehodang mabasa pa raw ang kamison kung kailangan sa istorya.


Naalala tuloy namin ang “magic kamison” na ipinapasuot ni Mother Lily Monterverde sa mga Regal Baby niya na binibigyan ng bagong pelikula at lahat ng nagsuot nito sa pelikula ay kumita sa takilya.


Tila hiniram yata ng GMA 7 kay Mother Lily ang nasabing kamison na tinanggihan daw ni Bea at buong puso namang tinanggap ni Kim na isuot para sa bagong drama series ng Kapuso network.


Matapang na sinabi ni Kim na okey lang daw sa kanya na magsuot ng kamison kahit mabasa pa kung ‘yun daw ang kailangan sa istorya.


Aniya: “Opo, nakakamison po talaga. Kasi laking isla po ako rito, kami ni Kristoffer (Martin) kaya po nagsasawa na kami sa isla, tatakas kami para makapunta ng bayan kaso may mangyayaring aksidente.


“Nakakamison lang po ako rito. Sinabihan naman po ako na more skin, then may kissing scene at wet look.

Wow wet look, Ha! Ha! Ha!

Wala ngang problema sa dalaga ang magpaseksi at magpakita ng skin dahil nasa tamang edad na raw siya. Katunayan, bilang preparasyon sa gagawin niyang serye ay nag-jogging at swimming at diet na rin daw siya para maging mas seksi pa raw ang dating niya.


Ka-love triangle nga pala nina Kim at Kristoffer sa proyektong ito ang

ex-girlfriend ng huli na si Joyce Ching.


The post Lexie Fernandez, mandaraya! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Lexie Fernandez, mandaraya!


No comments:

Post a Comment