Sugatan ang isang pedicab driver nang gitgitin ng kotseng minamaneho ng umano’y lasing na kawani ng Department of Transportation and Communication (DOTC) ang tatlong sasakyan, Huwebes ng madaling araw sa Pasay City.
Kinilala ang biktima na si Donato Portento, 38, ng Blk 7 Lot 7 Saint Mary St., Maricaban, na nahagip ng nagkarambolang sasakyan habang patawid sa kalsada.
Sa report ni PO3 Marianino Agas ng Pasay Traffic Management Unit, naganap ang insidente dakong 1:45 ng madaling araw sa panulukan ng Aurora Blvd at Saint Agustine St. nang mawalan ng kontrol sa minamanehong Honda civic (UDN-968) si Dexter Chavez, 31, screening officer sa Office for Transportation Security ng DOTC at nakatalaga sa NAIA Terminal 1, at nahagip ng kaliwang gulong ng kotse ang center island. Kinabig ni Chavez ang manibela sa gawing kanan subalit nahagip naman niya ang mga kotse nina Louie Lacson, 39, ng Valenzuela City at Gregorio Alog, Jr., 44, ng Maricaban, Pasay City, pati na ang nakaparadang motorsiklo ni Froilan Jay Romana, 23. – Nannet Valle
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment