Friday, January 3, 2014

Kung hindi makatutulong, huwag na lang magsalita!

NAKAUSAP namin ang pamangkin nina Gretchen at Claudine na si Cholo Barretto kamakailan. Ang kapatid ng dalawang aktres na si Michelle ang ina ni Cholo at madalas na kasama raw ng kanyang tita which he fondly calls Ate Claudine.


“May trabaho rin po ang mommy ko. Pero kami ‘yung madalas nakakausap, tinatawagan ni Ate (Claudine). Lahat naman kami nagkakasama. Alam mo ang intriga sa TV lang ‘yan. Nanganganak at nanganganak lang ang isyu. But at the end of the day, we are a family,” pahayag ni Cholo.


Last Christmas, tiniyak ni Cholo na magkakasama pa rin daw sila ng pamilya niya at si Claudine.


“Every Christmas naman doon kami kina ate. Ah, lumaki akong ganoon and I’m not gonna change anything. Sa lahat naman po close ako. Pero si ate, siya ‘yung nandoon sa lahat para sa pamilya.


“Hindi lang sa pamilya ko, kundi sa pamilya ng lahat. Maging sa mga kaibigan niya. So, she doesn’t deserve to be alone,” saad ni Cholo.


Masakit daw para sa kanya ang nangyayari kay Claudine.


“Gusto mong magsalita pero alam mong, you know, kung hindi ka makatutulong sa isang sitwasyon, huwag ka na lang magsalita. Ako, pamangkin lang ako. Pwede naman akong magsalita para sa pamilya. Kapag sa mga isyu po rito, sa industriya, hindi na po ako dadagdag.”


Kasama raw siya ni Claudine nu’ng kaliwa’t kanan ang problema ng aktres.


“Hindi ako mawawala sa kanya. Ipinakita ko sa kanya ang suporta ko, ‘yung nandodoon ako sa tabi niya, niyakap ko siya. Nandiyan ako sa kanya,” diin niya.


Pero nu’ng tinanong namin si Cholo tungkol kay Gretchen, wala raw siyang masasabi rito. At kung wala raw siyang mabuting sasabihin, e, hindi na lang daw siya magsasalita about Gretchen.


“Mahal ko po lahat ng nagpalaki sa akin. Mahal ko po lahat ng pamilya ko. Hindi na lang ako magsasalita tungkol kahit kanino.”


All-out din daw ang pagmamanal niya para sa kanyang lolo at lola.


“Hindi ko na maiiwas ‘yan. Pero nandoon po ako para sa kanila bilang apo,” sabi pa niya.


Rosaryo ang niregalo ni Cholo para sa kanyang grandparents na ang tawag naman niya ay mama at papa. Nagko-collect daw talaga nito ang kanyang Papa Miguel. In fact, lagi raw may dalang rosaryo sa bulsa ang kanyang lolo. Habang mahilig daw bumili ng rosaryo ang lola niya kahit saan magpunta.


On his personal career, kasama si Cholo sa pelikulang “10000 Hours”. Prior to this, lumabas din siya sa ‘Coming Soon’ na indie film. Both films ay prodyus ng grupo nina Boy2 Quizon na mga kaibigan niya.


Tumakbo rin si Cholo bilang Counselor sa Parañaque pero hindi siya pinalad na manalo. Nakatira si Cholo with his family sa Merville, Parañaque.

-ooOoo-

NA-MISS namin this year i-caroling ng PMPC (Philippine Movie Press Club) ang pamilya ni Toni Gonzaga. Hindi muna nagpakanta sa kanilang tahanan ang ina ni Toni na si Mommy Pinty dahil under construction na ang extension ng bahay nila.


Gaya ng isinulat namin before, nabili na ni Mommy Pinty ang dalawang katabing bahay nila.


S’yempre, ayaw naman ni Mommy Pinty na magulo ang daratnan naming bahay nila. Kaya next year na siguro ulit mangangaroling ang PMPC kina Toni.


Bongga naman ang pasok ng taon kay Toni dahil magsisimula na ang bago niyang show sa ABS-CBN on January 5 (Linggo), ang ‘Home Sweetie Home’, katambal si John Lloyd Cruz.


Mahigit apat na taon na rin pala ang lumipas nu’ng una at huling nagkasama sa pelikula sina Toni at John Lloyd. This time, sitcom naman ang pagsasamahan nila sa direksyon ni Edgar ‘Bobot’ Mortiz.


Agad daw na-excite sina Toni at John Lloyd nu’ng inalok sa kanila ang ‘Home Sweetie Home.’

Ibang klaseng programa raw kasi ang ‘Home Sweetie Home’ compared sa mga nagawa na nilang proyekto.


“Akala ko nga hindi ko na makakatambal ulit si John Lloyd after nu’ng ginawa namin ‘yung ‘Amnesia Girl’. First time naming mag-TV so sana everyone will get to be a part of it. Sana they will enjoy,” pahayag ni Toni.


Gaganap bilang mag-asawa sina Toni at John Lloyd sa “Home Sweetie Home.” Lagi nilang kasama ang extended family nila at ipapakita ang iba’t ibang klaseng nakatatawang isyu sa ganyang klaseng set-up.


Kasama nila sa bagong sitcom ng Kapamilya network sina Rico J. Puno, Sandy Andolong, Jayson Gainza, Miles Ocampo, Clarence Delgado, Joross Gamboa, Ketchup Eusebio, Eda Nolan, Ryan Bang, Eric Nicolas at Mitoy Yonting.


The post Kung hindi makatutulong, huwag na lang magsalita! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Kung hindi makatutulong, huwag na lang magsalita!


No comments:

Post a Comment