SIGURADONG kabisadung-kabisado na natin ito. Bukambibig nina Lola’t Lolo. Bukambibig rin sa kanila siguro ng kanilang lola’t lolo, kasabihang nagpasalin-salin sa loob ng mahabang panahon.
Kung ano’ng puno, siyang bunga. May iba’t ibang pakahulugan ang iba’t ibang tao sa kasabihang ito. ’Yung madalas nating mapansin, tungkol sa magulang at anak. Na kung ano’ng tatay, ganoon din daw ang anak. Like father, like son, ika nga. Pero, naniniwala ba kayo diyan sa “Like father, like son”? Puwede rin, ’no? Parang ganito: “Mana-mana lang ’yan, iho.”
Ang isa namang pakahulugan na nakapagpaisip sa akin ay ito: patungkol sa tao. Kung isang puno ang tao, lilitaw at lilitaw sa mga bungang kilos niya kung ano’ng klaseng puno siya. Nakahapay man siya, o stunted na ang paglaki niya; matayog man siya at lagas-dahon na, o pinamahayan na ng mga putakti, anay o kaya paniki—ganoon at ganoon pa rin siya, hindi nagbabago ang klase ng puno niya. Kung puno man siya ng mangga, hindi siya mamumunga ng bayabas, di ba? Maliban na lang siguro kung sa sobrang galing ng ating technology, makabuo sila ng stem cells ng punongkahoy na kayang magbunga ng dalawang klaseng prutas: halimbawa nga ’yung mangga at bayabas. Parang fruit juice na nasa tetrapak lang, ’no?
Pero, anu’t ano man, nakamamanghang isipin na eksaktong reflection ng kasabihang iyan ang paligid natin. Kaya naman, maaari nating maiwasang mainis o mamula sa galit kapag may mga talagang nakaka-expire na ng pasensiya mo. ’Yun bang gusto mo nang umalma; umuusok na ang iyong tainga, parang may sore eyes ka na, mga labi mo’y parang epileptic na, at ang ilong mo parang nagngingitngit na nguso na ng toro. Tapos, ang brain mo, kung anu-anong foreign words and phrases na ang kinakabisado—at kaya ang ulo mo ay talagang sizzling hot nang parang bulkang sasabog.
Naku, siyempre, tagilid tayo diyan. Baka tayo malapnusan. Unang-una, pag sumabog ang nasa loob, sa ulo rin natin unang dadaloy ang kumukulong lava. Magiging tayo rin ang sarili nating biktima. Kaya, ang kailangan natin: Bottomless Pasensiya. Ewan natin kung sa market meron na; baka sakali, tayo’y magtanung-tanong na. Dahil hindi natin mapipigilan ang bunga ng iba kung ganoon na talaga ang puno nila.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment