Monday, January 27, 2014

Kaya lumayas pa-Europe: KC nabanas nang di mapiling ‘Dyesebel’

MARAMING nabigla sa agarang desisyong pag-alis ni KC Concepcion papuntang Europe at mag-lie low na muna sa showbiz. Ang sabi ng malapit kay KC, to study further daw in Paris, France kung saan doon din siya nag-aral dati. Maraming pala-palagay na kaya raw ito nagbabu pansamantala sa showbiz ay dahil sa nabigo ito sa project na kanyang pinakaaasam, ang Dyesebel na napunta kay Anne Curtis.


Nabalitaan daw kasi ng aktres na kinunsider daw ito ng mother studio for the role and yet, ito’y biglang napunta kay Anne.


Iyan ay haka-haka lamang ng iba na frustrated si KC na maging Dyesebel.


Ang sabi, hindi naman daw palaasa ang dalaga ni Mega. Sabi ng kanyang masugid na fan, kita n’yo naman kahit anong galing niyang ipinamalas nitong nakaraang taon sa pelikulang Boy Golden at majority ng mga nakapanood ay nag-expect na siya na ang magwawagi bilang Best Actress pero bago pa man naipalabas ang film entry niya sa festival, sinabi na niyang hindi siya umaasa na mapiling best actress dahil alam niyang mas maraming magagaling ding artista.


Tulad din sa Dyesebel, hindi rin niya inaasahan na mapupunta ito sa kanya, although nabalitaan niyang isa siya sa kinunsider for the role sabi pa ng isang insider.


Ano kaya ang totoong dahilan kung bakit umalis si KC papuntang Paris, para mag-aral muli o dahil hindi siya naging Dyesebel? Kami ang paniniwalaan namin ay mag-aaral muli ito at ang nasa isip namin may koneksiyon sa akting ang pag-aaralan nito. Tama na ang intriga na nabigo ito na hindi napasakanya ang project na Dyesebel. Maganda rin naman na choice si Anne Curtis. Pramis!

-0-

Guwapo si Geoff Eigenmann at marunong din namang umarte. Madalang lang magka-project at kung magkaroon man, matagal magkakaroon ng kasunod. Matagal nasundan ang ginawa nitong soap na kung saan magkapareha sila ni Heart Evangelista na hindi na namin matandaan ang pamagat. Basta naalaala naming nagiging Gloria Romero si Heart pag sumasapit ang alas dose ng gabi.


Ngayong napanonood na muli siya sa sinusubaybayan din naman ng maraming fantaseryeng Adarna kung saan title role si Kyllie Padilla, kaya raw hindi makaangat ang pagiging aktor nito ay dahil may deprensiya ang kanyang pananalita. Bulol to be exact.


Ang totoo niyan, milya-milya na ang layo sa kanya ng baguhang si Alden Richards na sunud-sunod ang mga projects at kapareha pa nito ang magandang si Marian Rivera. Kung ako kay Geoff, mag-enroll siya sa Manila Speech Clinic para ma-polish ang kanyang pananalita. Sayang na kaguwapuhan. Type pa naman namin ang aktor. Kaya lang, bulol. Ciao Bambino!


The post Kaya lumayas pa-Europe: KC nabanas nang di mapiling ‘Dyesebel’ appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Kaya lumayas pa-Europe: KC nabanas nang di mapiling ‘Dyesebel’


No comments:

Post a Comment