Wednesday, January 1, 2014

Kalagayan ni Schumacher, bahagyang umigi

Schumacher


Sumailalim si Michael Schumacher sa ikalawang operasyon nang magdamag upang tanggalin ang isa pang hematoma, na nakatulong upang mabawasan ang inter-cranial pressure na kanyang natamo mula sa isang skiing accident noong Linggo.


Ang ikalawang procedure ay naganap alas-10 ng gabi noong Lunes matapos makita ng mga doktor ang hindi inaasahang pagbuti sa kundisyon ng 44- anyos na si Schumacher.



Ayon kay Dr. Emmanuel Gay: “There was one haematoma that was larger and more accessible, so we were able to get rid of it without any risk.”


“Thanks to that we were better able to control inter-cranial pressure. There’s still a lot of haemorrhaging.”


Sinabi ng medical team na may mga ilan pang sugat sa utak ni Schumacher at hindi pa posibleng magbigay ng kahit anong prognosis tungkol sa kanyang tuluyang paggaling.


Kinumpirma nila na si Schumacher ay mananatili sa coma hangga’t kailangan, ngunit siya ay nasa may matatag na kondisyon.


“We have a strategy to correct a number of anomalies that continue and we want to give ourself some time during this phase of stability,” ani Professor Jean-Francois Payen.


“There are some important matters we need to think about for the future.”


Nakonsulta ang pamilya ni Schumacher bago isinagawa ang ikalawang operasyon at nananatili ang mga ito sa kanyang tabi.- Yahoo! Sports


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Kalagayan ni Schumacher, bahagyang umigi


No comments:

Post a Comment